Top actress na may maliliit pang anak, umayaw sa lock-in taping

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2020 - 12:00am

Nang sabihan pala ang isang kilalang aktor na tuloy na ang pagla-lock-in taping nila ng isang top actress ng isang TV network para sa kanilang series, duda pala si aktor.

Feeling daw ni aktor ay baka next year na sila.

May dialogue pala si aktor na, “Pero baka next year na ‘yan, papayag ba si _____ (pangalan ni top actress) na mag-lock-in taping?”

Duda raw ni aktor ay hindi papayag si top actress dahil maliliit pa ang mga anak nito.

At ngayon nga ay may tsikang tumanggi raw si top actress na mag-lock-in taping, so, mukhang tama nga ang dialogue ni aktor tungkol sa series nila.

Palitan kaya si top actress o i-delay na lang for next year ang taping ng series na ‘yon?

Well… ‘Yun na!

American record producer na may Pinay nurse, napabilib kay Martin!

Alam mo, Ateng Salve, walang exaggeration, pero habang kausap ko si Manay Lolit Solis kahapon sa cellphone naiyak ako nang ikuwento ko sa kanya na negative ang result ng COVID-19 swab test ko.

Iba rin kasi ‘yung stress ko dahil habang naka-quarantine ako sa hotel at hinihintay ko ang swab test result ko na ginawa sa NAIA 3 nang dumating ako mula sa Los Angeles, California (with 12 hours transit sa Hong Kong) noong Monday, naisip ko talaga – what if asymptomatic ako at may COVID-19 pala ako?

Paano kung sa pagsakay ko pala ng plane ay nagkaroon ako ng sakit?

Siyempre habang wala pa nga sa ‘yo ‘yung negative na result ng swab test mo ay kung ano-ano ang naiisip mo, huh!

So, nakahinga talaga ako ng maluwag nang makita ko na nga ang swab test result ko na in-email sa akin ng Philippine Airport Diagnostic Laboratory.

Isa ang Concert King na si Martin Nievera sa una kong binalitaan na lumabas na ang swab test result ko at ang reaction niya ay, “Wow, how fast!”

Nang bumalik kasi siya ng bansa mula sa Los Angeles, California with his youngest son Santino last month ay six days bago niya nakuha ang result ng kanilang swab test.

Pero mabilis na raw talaga ngayon ang swab test result sa airport, in fairness!

Oo nga pala, ipinadala ko kay Martin ang pictures ng CDs at book na ipinadala sa kanya ni Quincy Jones (kilalang American record producer).  May dedication mismo ni Quincy ang book na ‘yon. Touched nga si Martin.

Actually, ang kuwento no’n, favorite ng mag-fiancé na sina Edgar Mande (former sexy actor of the 80’s) at Ramona Fabie si Martin.

Eh, si Ramona, private nurse ni Quincy.

Naikukuwento ni Ramona si Martin kay Quincy at ipinaririnig pa sa American music producer ang ilang songs ni Martin, kaya naman hanga si Quincy sa ating Concert King, huh!

So, nang pauwi na ako ng Philippines, na-surprise ako nang ipinadala nga sa akin ni Ramona ang CDs at book na galing mismo kay Quincy.

Excited na nga si Martin na ipadala ko sa kanya ‘yon dahil noong Monday night pala ay naikuwento na niya ang tungkol doon sa kanyang Martin in the House online show nila ng kanyang twin sister na si Vicki Nievera.

AKTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with