^

PSN Showbiz

Dating aktor, tinakbuhan ng Fil-Am sa blind date

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang grupo ng mga Pinoy sa ibang bansa ang pinagkatuwaang i-blind date ang kaibigan nilang Fil-Am sa isang dating aktor na naglantad na ng kanyang tunay na gender.

Wala lang, sa bar lang sila nagpunta, kuwentuhan lang nang kuwentuhan ang Fil-Am at ang dating aktor. Sayaw lang sila nang sayaw, bigay na bigay ang katawan ng dating aktor sa pagsasayaw, girl na girl talaga ang kanyang mga galaw.

Kuwento ng aming source, “Walang kaalam-alam ‘yung Fil-Am kung sino ang ka-blind date niya. Pinagbigyan lang niya ang mga katropa niya. So, nang magkita na sila ng ka-date niya, marespeto naman ang Fil-Am.

“Nag-bar sila. Nagnomo-nomo, walang patid na kuwentuhan at pagsayaw ang nangyari. Tapos, nagyayang kumain ang Fil-Am. Sabi ng dating aktor, sa house na lang daw niya sila kumain, para mas intimate.

“So, dumating sila sa inuupahang unit ng ex-actor, siya mismo ang naghanda ng kakainin nila. Ang dating aktor ang nag-prepare, maasikaso talaga siya,” unang kuwento ng aming impormante.

Nilibot ng tingin ng Fil-Am ang tirahan ng ex actor, masinop siya sa kagamitan, pink na pink ang paligid.

Patuloy ng aming source, “So, habang naghahanda ng kakainin nila si ex-actor, panay naman ang tingin ng Fil-Am sa lahat ng parts ng unit ng dating aktor.

“Pagkatapos niyang magluto, nagtabi na sila sa mesa. Magaling palang magluto ang ex-actor, magaling din siyang mag-arrange ng table. Nag-request ang Fil-Am na magbukas sila ng ilaw.

Hindi raw siya kumakain nang hindi lights on. Ganu’n daw siyang kumain, kailangang nakabukas ang mga ilaw. Ayaw pa sana ng ex-actor na magbukas ng ilaw, kinakabahan siya, pero ang bisita pa rin niya ang nanalo.

“Habang kumakain sila, e, napansin ng Fil-Am guy, bakit ganu’n, ang laki-laki ng kamay ng ka-date niya? Sobrang laki rin ng mga ugat niya sa kamay!

“Kinabahan ang Fil-Am guy, mukhang pinagkaisahan siya ng mga katropa niya. Nu’ng titigan niya uli ang kamao ng ka-date niya, mas malaki pa ang kamay at mga ugat kesa sa kanya!

“’Yun na! Gumawa ng paraan ang Fil-Am guy na makaalis sa unit ng ex-actor, kiyemeng may kukunin lang siyang wine sa car niya, pero hindi na bumalik pa uli sa unit ang Fil-Am guy!

“Tinawagan nu’ng guy ang mga katropa niyang halakhakan nang halakhakan! Minura sila ng Fil-Am, dahil ang ka-date pala niya, e, isang transgender!

“Kailangan pa bang i-memorize kung sino ang naka-date ng Fil-Am guy? Siya na nga! Siya ang binibining napakaraming ilusyon sa buhay!”  tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga ilusyon ni BB kay Piolo, hindi na pinag-iinteresan

Mainipin ang lahing Pinoy. Madaling magsawa. Magaling lang ang ating lahi sa arangkada kumbaga sa pagmamaneho pero sa rektahan ay kinakapos na.

Sinundan uli ni Rustom Padilla ang mga rebelasyon niya tungkol sa kanila ng pinangalanan niyang Jonathan. Si Jonathan, na kapag nadudulas ang kanyang malabigang dila ay natatawag niyang Piolo.

Pagbalik daw kasi niya mula sa pinuntahan niyang dinner kung saan may ipinakilalang babae sa kanya ay meron palang mga tawag sa kanya si Jonathan sa hotel room niya.

Pero naligo na raw siya at natulog pero bandang alas dose nang madaling-araw ay tumawag na naman sa kanya si Jonathan na niyaya niya naman paakyat sa hotel room niya.

Du’n na naman daw naganap ang kanilang maalab na paghahalikan at pagya­yakapang parang wala nang bukas pa. Sa kuwento ni Rustom ay ‘yun na ang pinakamatagal at pinakamasarap na halik na natikman niya.

Ayon kay Rustom ay nasundan pa ‘yun ng pagmo-motel nila ni Jonathan. Sinundo raw siya nito nang matapos na sa kanyang trabaho ang aktor.

At muli, du’n na naman naganap ang kanilang malapukyutang paghahalikan at pagyayakapan na meron nang dagdag, gumagapang na raw ang kanilang mga kamay sa katawan ng isa’t isa. Pero nilinaw niya na wala raw nangyaring higit pa sa himasan lang.

Mainit ang kuwento ni Rustom Padilla sa kanyang vlog, pero parang malagihay na ang pagtanggap ng publiko sa kanyang mga kuwento, parang nagkaroon na ng over kill.

Hindi na masyadong interesado ang mga kababayan natin sa kanyang vlog, ang magpapatunay nu’n ang numero ng mga tumutok sa kanyang unang kuwento na hindi na halos nadagdagan, bumitiw na ang marami sa kanyang rebelasyon na pinagdududahang ilusyon lang kasi.

vuukle comment

FIL-AM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with