^

PSN Showbiz

Gerald, Julia at Bea, nabuhay na naman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald, Julia at Bea, nabuhay na naman
Ge­rald Anderson at Bea Alonzo

Nabuhay na naman pala ‘yung issue kina Ge­rald Anderson at Julia Barretto, Salve. At siyempre pag nabuhay iyon, buhay din ang issue kay Bea Alonzo.

Sa love kasi talagang ganyan, parang sugal din na hindi mo alam kung sino ang mananalo sa ending.

Siguro talagang hindi para sa isa’t isa sina Gerald at Bea, dahil nag-second chance na sila pero nawala pa rin.

Kung talagang para sa isa’t isa sina Gerald at Julia, ok lang, bigyan ng chance ang love nila.

Mas mabuti nga na nangyari ito nang hindi pa sila kasal, at least wala pang mga legal impediment.

Pagbigyan na natin sila para naman mas maging magaan ang relasyon nila, tiyak naman na may nakalaan din para kay Bea. At sure ako by that time, ibang Bea na rin ang iibig, mas matatag at mas handa.

Sleep well, Manay Ichu…

So very sad. My ever dearest beloved Manay Ichu Vera Perez Maceda is gone to be with our Creator. My protector and shield, my ‘adopted’ ate, the one who always spoils me by being on my side every time I get in trouble, wala na.

I purposely did not visit her during the time she was sick, kasi sure ako na iiyak ako ‘pag nakita ko siya na nahihirapan.

Nagti-text kami at natutuwa ako ‘pag nagbibiro pa siya sa text. Manay Ichu is a lady who’s so ge­nerous with her love kaya icon siya sa showbiz.

I cannot imagine Gilmore St. without her. I cannot imagine Sampaguita compound without her presence, too. I always take pride of being close to her, of her trust in me kahit pa nga loka-loka ako at halos lahat ng kagagahan ay ginagawa ko.

Her friendship and her love, siguro iyon ang na­ging matibay na sandigan ko kaya confident ako sa feeling na I can get away with my being naughty and loka-loka. She will reprimand me, pinapagalitan at pinapangaralan ako, pero never ako iniwan sa laban. Kunsintidorang ate siya sa akin.

Alam ko na kahit hindi kami nagkikita, mahal niya ako at mahal ko siya.

Forever grateful for all her love, trust, at ‘yung respeto na ibinigay niya sa akin bilang tao, I will never ever forget.

I love you Manay Ichu, be at peace, sleep well, try to still guide me wherever you are, I will always pray for you.

Goodnight.

Fashionable PPEs ng Kamiseta, in na in

Bibigyan tayo ni Cris Roque ng mga PPE na gawa ng Kamiseta, Salve. Isa ito sa pinakamabili ngayon sa Kamiseta apparel dahil nga ang daming office workers at iba pang employees ang gusto na naka-PPE sila pag lalabas ng bahay.

Very colorful at stylish ang mga PPE na ginagawa ng Kamiseta, kaya naman gustung-gusto ito ng working ladies.

Actually puwede mo talagang isuot pag nasa labas ka for added protection at may iba’t ibang color siya.

Part din ng pagtulong ng Kamiseta sa frontliners at nagbigay sila ng thousands of PPEs na donation, dahil alam mo naman napaka-charitable ni Cris Roque.

Excited akong magsuot ng PPE, hah hah, para safe na safe.

 

vuukle comment

GE­RALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with