BB, tinapos na ang kuwento nina ‘David’ at ‘Jonathan’
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

Sa totoo lang ha, napuyat kami sa panonood ng napakahabang “part 2” ng rebelasyon ni BB Gandanghari, na sinabayan pa niya ng pagbubukas ng mga regalong natanggap niya dahil birthday nga niya.

Ang buong akala namin may madadamay pang iba, pero mabuti at wala naman. Tinapos niya ang kuwento sa pagitan lamang ng dalawang characters, sina “David” at “Jonathan.”

Maliwanag ang kuwento ni BB, bagama’t ang isang actor ang siyang nag-initiate ng first moves, at noong panahong iyon ay may alinlangan pa si Rustom Padilla kung bibigay nga ba siya o hindi, na-realize nga raw ni Rustom na nai-in love na rin siya sa actor.

Tinapos niya ang kuwento roon sa puntong magkasamang magdamag ang dalawa, magkasiping silang natulog, naghalikan sila at “iyon lang.”

Pero mukhang talagang desidido si BB na ilabas na finally kung ano man ang nalalaman niya sa struggles ni Rustom noong panahong iyon. Kaya nga nang may mag-message raw sa kanya at sinabihan siyang mali ang kanyang ginagawa dahil ina-out niya iyong taong nanahimik at hindi pa handang mag-out, iyon ay sinagot niya at sinabihan ng “hypocrite.”

Actually, iyong mga ganoong unsolicited advice, baka mas nagpapalala pa ng sitwasyon eh. Kasi ang sinasabi ni BB, puwedeng magduda ka pa kung totoo o hindi eh. Pero dahil sa sinasabi nila na “may taong nananahimik at hindi pa siya handang mag-out” parang sinasabi nila na totoo lahat ang sinasabi ni BB, wala nga lang sa tamang panahon.

Naniniwala rin sila kung ganoon na ang actor ay mag-a-out din pagdating ng araw.

Nakakatulong ba iyon sa ngayon? Papaano kung talagang walang planong mag-out habambuhay ‘yung actor, ‘di dinagdagan pa nila ang usapan.

Ang tingin namin, hindi matatapos iyan hanggang may iba pang nakikialam.

Pabayaan na lang nila si BB na tapusin iyan at huwag na silang mag-react pa.

Bitoy, ramdam na sa TV na lang ang magiging simbang gabi

May post si Michael V., ang sabi niya wish naman daw sana niya hindi ganoon ang mangyari, pero natatakot siya na ang simbang gabi sa darating na Pasko ay panonoorin na lang sa TV, o susundan sa internet.

Para sa ating mga Pilipino, ang simbang gabi ay bahagi na ng mahabang tradisyon. Kung titingnan ninyo, dalawang lugar lang sa buong mundo ang mayroon pang simbang gabi, dito lang sa Pilipinas at sa Mexico. Mayroon din daw ilang bayan sa Spain.

Sa ibang lugar, walang simbang gabi, kaya nga ang mga pagdiriwang niyan kung titingnan ninyo sa Ordo ay may nakalagay na “proper in the Philippines.”

Hindi lang si Bitoy, marami talaga ang malulungkot kung ang simbang gabi ay sa TV o sa internet na lang natin masusundan, samantalang bukas na ang malls, restaurants at iba pang istambayan.

Poging aktor hindi pumasa ang height sa madatung na bakla

Gusto raw ng isang young male star na sumikat na sana pero mabilis namang lumubog, dahil hindi naman talaga puwede na hitsura lang ang puhunan sa pag-aartista, na “makilala ang isang rich businessman.” Baka nga naman sakaling “magustuhan siya,” at magkaroon pa siya ng projects bukod nga sa “sustento.”

Kaya lang sinabihan siyang “hindi puwede dahil ang gusto ni boss matatangkad.” Eh 5’5” nga lang ang height ni pogi, at saka ngayon hindi na siya kasing pogi noong nagsisimula pa lang siya.

Naapektuhan din kasi ang hitsura niya ng “mamam” at “bisyo.”

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with