^

PSN Showbiz

Industriya nagluluksa...

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Malungkot ang buong movie industry sa pagsisimula ng linggo kahapon dahil sa pagpanaw ni Manay Ichu Vera-Perez Maceda.

As of presstime, wala pa kaming nakukuhang statement mula sa pamilya pero marami na ang nag-post sa kanilang social media account.

Ipinasa lang sa amin ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer ang text message sa kanya ni Tita Boots Anson-Rodrigo.

“We lost Manay Ichu last night due to cardiac arrest. She was already home on prritoneal dialysis, but with many other complications. She has been sleeping lengthily the past days. Succumbed to cardiac arrest.

“We are planning a Mowelfund tribute bound by Covid guidelines. We will update on family plans. Prayers tayo please.”

Nakausap ko nga si Manay Lolit Solis na close sa pamilya Vera-Perez, lalo na kay Manay Ichu, nakaramdam na naman daw siya ng depression dahil nga sa pagpanaw ni Manay Ichu na sobrang love daw siya.

Isa rin sa malapit kay Manay Ichu na itinu­turing niyang pangalawang ina ay ang Star for All Seasons at representative ng lone district of Lipa, Batangas na si Cong. Vilma Santos-Recto.

Nakaka-text ko ang presidente ng Vilma Santos Solid International na si Jojo Lim kahapon at nagpadala raw si Cong. Vi ng mensahe kaugnay dito. “I am deeply saddened by the loss of Manay Ichu.         

“She’s my second mother, she treats me as part of her family. I am very grateful for all her care, love and support to me.

“I will surely miss you Manay and will continue to pray for the repose of your soul. My heartfelt condolences to her family and the Vera Perez-Maceda  family.

“Rest in peace Manay. I love you. (3 heart emojis).”

Nakikiramay po kami sa buong pamilyang naiwan ni Manay Ichu.

MTRCB hindi sakop ang news...

Sinagot ni MTRCB Chairperson Rachael Arenas nang maayos ang puna ng ilang netizens na hindi nga raw nila ma-re­gulate ang pagmumura ng ating Pangulong Duterte, pagtapos gusto pa nilang i-regulate ang mga ­streaming site.

Sabi ni Chair Arenas, hindi sakop ng MTRCB ang news lalo na kung live coverage kaya hindi nila ma-control ang minsang may mga lumalabas talagang pagmumura sa ating presidente.

Pero nilinaw ng MTRCB Chairperson na noong isang taon pa raw ito napapag-usapan sa Netflix at sa mga live streaming at nakipag-cooperate naman daw sila.

Inaayos pa raw nila ang guidelines na angkop sa mga manonood sa Pilipinas at ang hiling lang naman daw nila ay mag-self-regulate.

“Bakit ho ba pagka-MTRCB naririnig nila negang-nega na sila. Iba naman ho ang MTRCB ngayon eh. We go with the times also,” pakli ni Chair Arenas nang nakapanayam ni Henry Uri sa DZRH noong nakaraang linggo.

“It’s not to curtail the freedom of those that are ­watching or the viewers of Netflix, no. We will do sort of (INCO) regulation post monitoring ho kami.

“Nag-agree naman sila because iba-iba ang kultura ng bawat bansa,” dagdag na paliwanag ng MTRCB Chair.

Hindi pa raw ito polisiya. Matagal-tagal pa raw bago ito mabuo dahil lahat ay pinag-aaralan at kailangang mahi­ngan daw nila ng komento ang lahat na mga stakeholders.

Ang tanging hangad lang naman daw ng taga-MTRCB na bigyang proteksyon ang mga manonood lalo na ang mga kabataan, at kung ano ang nakasaad sa batas na dapat sundin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with