KathNiel, naka-siyam na taon na!
KathNiel
KathNiel, naka-siyam na taon na!
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

Ipinagdiriwang ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang ika-siyam na anibersaryo ngayong buwan.

Malaki ang pasasalamat ng magkasintahan sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon. “Happy 9th anniversary! Nakakatuwang isipin na siyam na taon na tayong magkakasama. Maraming-maraming salamat at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin kayo kasama namin ni Kathryn na nagmamahal, pumuprotekta. Siyempre ‘yung iba sa inyo mga naging kaibigan na rin namin. So thank you very much,” pahayag ni Daniel.

“Thank you kasi karamihan sa inyo kasabay naming tumanda. ‘Yung iba nagkapamilya na, nagkaanak na, pero still grabe pa rin ‘yung suporta n’yo at patuloy na dumarami ‘yung nagiging parte ng pamilya natin. So paulit-ulit naming sinasabi pero mara­ming-maraming salamat. Lahat ng na-accomplish namin ni DJ ngayon, alam n’yo na kasama kayo doon. ‘Yung journey natin na ‘to, hindi biro ‘yung mga pinagdaanan natin but that made us all stronger. So sana marami pa tayong magawa. Sana nandiyan lang kayo parati. Kon­ting hintay lang kasi mahirap sa atin lahat itong taon na ‘to. Pero babangon din tayo lahat na magkakasama. Maraming salamat sa hindi n’yo pag-iwan sa aming dalawa ni DJ,” dagdag naman ni Kathryn.

Limitado pa rin ang mga ginagawang trabaho ngayon nina Kathryn at Daniel dahil sa banta ng covid-19 pandemic.

Malapit nang si­mulan ng dalaga ang taping para sa isang sitcom habang isang concert naman ang pinaghahandaan ni Daniel na parehong mapapanood sa digital platform ng ABS-CBN.

“Alam naman natin ang sitwasyon ngayon, stay home, stay safe. Isipin natin ang kapakanan natin, ang pamilya natin and siyempre ang kapwa natin let’s be good to everyone and magmahalan tayong lahat. Again, happy anniversary and mahal namin kayo,” paglalahad ni Daniel.

Para kay Kathryn ay talagang katuwang nila ng aktor ang mga tagahanga sa lahat ng kanilang mga ginagawa kasama na rin pati charity events.

“Gusto naming ipaabot ang appreciation namin sa lahat ng ginawa n’yong tulong through the years, hindi lang ngayon. Nakaka-proud na meron kaming isang pamilya, isang fandom na may kusa kayo, mabubuti ang puso n’yo para tulungan ‘yung mga mas nangangailangan. Salamat sa pagsuporta ninyo sa mga causes din namin na sinusuportahan namin ni DJ. Nakaka-proud na makita na ganyan kayo, tumutulong kayo at sini-share ninyo ang blessings na­ting lahat, very good. We love you guys, thank you very much and to more years to come,” pagtatapos ni Kathryn.

Ara, kusang-loob na nagbawas ng talent fee

Mapapanood nang muli ang karakter ni Ara Mina bilang si Ellen Padua sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpa-swab test muna ang aktres upang makapagtrabahong muli para sa naturang serye. Ayon kay Ara ay aabutin ng tatlong linggo ang kanilang lock-in taping sa Batangas simula ngayong linggong ito. “Siyempre kasama na ‘yon sa safety protocols para hindi rin mag-worry ‘yung dadatnan mo sa set. Tapos before kami umuwi from the location, another swab test na naman. Gano’n na talaga ngayon eh. kailangan talaga nating mag-ingat,” pagbabahagi ni Ara.

Katulad ng ibang mga artista ay nagpabawas din umano ng talent fee ang aktres ngayon. Bago pa man tuluyang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN kamakailan ay kusang-loob nang nagbaba ng sweldo ang mga artista ng Kapa­milya network.

“Sa panahon natin ngayon kailangan nating magtulungan. Hindi pwedeng sarili lang natin ‘yung iisipin natin. At saka lahat naman nag-a-adjust ngayon, lalo na ilang buwan na rin tayong may pandemic. Ang mahalaga ngayon meron tayong work,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with