Aktor, umaasang makakabalikan ang ex

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

Isinakripisyo ng isang kilalang female personality ang namumunga na niyang career para sa pag-ibig. Napakalaki ng nawala sa kanya dahil ‘yun ang katuparan ng kanyang pangarap.

Para siyang kabayong nakasuot ng tapa ojo, wala na siyang pakialam kung anuman ang kahinatnan ng buhay niya, lalong wala siyang keber kung mabigo man ang matagal na niyang ambisyon.

Kuwento ng aming source, “’Yung male personality lang na na­ging dahilan ng pagsasakripisyo niya sa career niya ang minahal niya nang seryosohan. Ang iba niyang nakarelasyon, e, okey lang, parang wala lang.

“Puwedeng sandali lang sila, hindi niya ‘yun iintindihin, pero ang male personality na nakasama niya nang matagal, aminado siya sa mga kaibigan niya na mahal na mahal niya talaga,” unang kuwento ng aming impormante.

Kung malaki ang isinuko ng female personality careerwise ay mas malaki ang nawala sa male personality na marami nang napatunayan. Sobrang panghihinayang ang naramdaman ng publiko para sa aktor.

Patuloy ng aming impormante, “Pero naturalesa na nga siguro ng girl ang pagiging masawain. Nu’ng nagtatagal na ang relasyon niya, e, marami na siyang pinapansin sa karelasyon niya.

“Konting bagay lang, e, pinagtatalunan na nila. Active daw siya, pero ang guy, e, may katamaran. Nakapag-exercise na raw siya, e, tulog pa rin ang lalaki.

“Lalo siyang na-frustrate nu’ng lumaki na ang katawan ng guy, nu’ng tumaba na, parang tinabangan na siya. Call na siya agad sa mga friends niya na parang gusto na niyang makipaghiwalay sa guy.

“Nakakalungkot lang, kasi, kung may nawala sa kanya, e, hamak laki naman ang nawalang opportunities sa lalaki, di ba? Pero ganu’n lang naman pala ang mangyayari.

“Sawain talaga ang girl. Wala pala siyang nagtatagal na relasyon. Lahat, e, panandalian lang. Nakakaawa naman ang guy na umasang sila na talaga.

“At ang bilis makalimot ng girl, wala pa halos closure ang relasyon nila, e, meron na agad siyang iba. Walang choice ang guy kundi ang tanggapin na lang ang nangyari sa kanila.

“Wala pa siyang girlfriend, baka hinihintay pa niyang magkabalikan sila ng girl! Pero sabi ng mga friends ng girl, e, no way, highway na raw na mangyari ‘yun!

“Kapag umayaw na raw ang girl, e, ‘yun na ‘yun! Hindi na magbabago ang kanyang isip. Wala palang binalikang dating karelasyon ang nomo-bomo girl na ito!” napapailing na lang na kuwento ng pagtatapos ng ­aming source.

Ubos!

BB super nega ang dating sa ginawa kay ‘Piolo’

Sabi ng isang mataray naming kausap, “Naku, idudura na lang ni PJ (Piolo Pascual) ang laway niya kesa sa sayangin sa pagsagot sa mga ilusyon ni Rustom Padilla!”

Komento naman ni Jap Vivas, isang regular na tagasubaybay ng CFM at TIPMMG, “Maga­ling mag-monologue ‘yang si BB Gandanghari, para siyang lukring! Minsan, e, may kinakausap siyang yaya at may tinatawag pang honey, e, parang wala naman siyang dyowa? ‘Yung asong si Iman lang ang palagi niyang kausap!”

At komento naman ng anak-anakan naming si Gayson Magdadaro, “Sarado na ang telon ng entablado para kay BB, kaya tigilan na niya ang pakikisakay sa pangalan ng mga taong sikat para kuminang ang name niya! Pundido na ang bombilya niya!”

Opinyon naman ng production designer na si Bong Gacho, “Hindi humahaba ang mukha ng bakla! Bumabagsak na! Gravity has its own way of claiming that what used to be up there comes down back to earth!”

Pahayag naman ni Romer Gonzales, “Na-watch ko po ang video, natatawa ako kay BB, pagdating kasi sa parteng 1 hour:06, nadulas siya. Piolo instead na Jonathan ang nasabi niya. Check n’yo po.”

Komento naman ng kaibigan na­ming propesor, “That’s illusion at its finest! Nakakaawa naman si Rustom, kung anu-anong kuwento na lang ang hinahabi niya. Marami siyang ilusyon sa buhay.

“Pagkatapos niyang bulabugin sina Vice Ganda, Mariel Rodriguez at Carmina Villarroel, si Piolo naman ang inaabala niya ngayon. So pathetic!

“Only his family can stop him from doing this. Wala kasi siyang nararamdamang pagmamahal, hindi siya tanggap ng pamilya niya, kaya ganyan ang resulta! Combination of illusion, depression and deep loneliness ang nangyayari sa kanya ngayon,” sabi ni prop.

Nagtagumpay ang muling hinukay sa libingan na si Rustom Padilla sa aspetong pinag-usapan siya pero sa anong paraan naman? May kakambal ‘yun na pagdududa at panglilibak at siya pa ang tinatawag na banderada ngayon ng mga baklang ilusyunada.

AKTOR BB GANDANG HARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with