GMA nag-offer din ng digital channels sa DepEd
GMA
STAR/ File
GMA nag-offer din ng digital channels sa DepEd
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2020 - 12:00am

Nag-o-offer na rin ang GMA Network ng free use ng kanilang two digital television channels for the implementation of the Department of Education (DepEd) blended learning program habang patuloy pang nakikipaglaban ang ­ating bayan sa COVID-19 pandemic at unsafe pa rin ang face-to-face classes. “This is part of the Kapuso Network’s efforts to help the government curb the spread of COVID-19 in the country, and, at the same time, provide Filipino students access to quality education while keeping them safe at home,” ayon sa statement ng Kapuso Network.

Nauna na rin nagpahayag ang ABS-CBN na handa silang ipagamit ang kanilang frequency ngayon ngang wala sila sa free TV.

Sana nga ay payagan ng Department of Education na tulungan sila ng GMA and ABS-CBN for the benefit of the students lalo na sa mga lugar na pangit ang signal ng internet.

Concert ground, sinehan muna

Trending kahapon ang premiere ng latest Mulan movie na napanood sa Disney Plus.  Yup, dahil nga wala pang mga sinehan, pinalabas na ito via streaming provider.  With pay of course.

Pero wala pa raw dito sa Philippines, sa tatlong Asian countries lang ito napanood kasabay ng showing sa US.

Speaking of sinehan, converted muna sa drive-in cinema ang concert ground ng MOA. Sa Pampanga unang nag-set up ang SM ng drive-in cinema pero walang feedback kong naging box office hit ang pinalabas na pelikula. Magkakaroon daw sila ng screening beginning September 9.

Definitely, mas mahal ang charge dahil covered na ang snacks.

Sad dahil hindi naman magiging priority ng mga tao sa kasaluku­yan ang manood ng sine.

Nakaka-miss na ang normal life.

Yung nanonood ka ng concert sa MOA Concert Ground lalo na pag foreign artist like Coldplay pero ngayon nga ay gagawin munang drive-in cinema.

Hay at this point in time, lahat throwback na lang muna at pray pa tayo harder na matapos na ang pandemic na ito. Pero ang talagang nakakalungkot ay ang sinasabing malamang daw maging opisina na lang ang mga mall ayon sa ibang observation dahil nga sa kawalan ng mga mamimili.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with