^

PSN Showbiz

Kathniel, susubok bumawi sa pagkalugi ng negosyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathniel, susubok bumawi sa pagkalugi ng negosyo
Kathniel
STAR/ File

Oktubre noong isang taon nang buksan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Barbero Blues barber shop sa SM City-North EDSA.

Ayon sa aktor ay sobrang naapektuhan ang kanilang negosyo at mga empleyado ni Kathryn sa  barber shop dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “Siyempre hindi naman tayo pwedeng huminto roon. Siyempre may mga na-lay off which is, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin ‘yan, dahil hindi kayang suportahan. Hindi mo rin alam kung saan kukuha financially. Siyempre hindi pa rin natin nakakalimutan na tumulong kahit paano,” pagtatapat ni Daniel.

Ilang buwan nang sarado ang barber shop dahil sa pandemya at nakapagbukas lamang ito nang ipatupad ang GCQ o general community quarantine.

Sa ngayon ay mangilan-ngilan lamang umano ang nagpapagugit dahil sa takot pa rin ng mga taong lumabas ng bahay. “Wala talagang tao, hindi mo naman sila mapipilit. Pero sa akin ‘yung kailangang magpagupit, this time, I think Barbero Blues is a good place kasi malinis, sanitized. Siyempre importante sa amin ang safety,” giit ng aktor.

Umiisip ngayon ng iba pang paraan sina Daniel at Kathryn upang mamayagpag at kumita ang kanilang barber shop. “We have to evolve sa business. Ngayon kasi this is abnormal. ‘Yung business mo okay, eh nagka-pandemic. Ano ang magagawa natin? So kung ano ang pwede nating gawin, we have to evolve, adapt or ano pa ba ang pwede. We have to experiment,” pagbabahagi ng binata.

Robi, magbebenta na rin ng facemask

Bukod sa pagiging isang artista ay abala rin si Robi Domingo sa iba’t iba niyang negosyo. Mayroong events company, milk tea franchise, real estate at restaurant business ang aktor. Dahil sa pandemya ay humina ang mga negosyo ni Robi. Naisipan umano ng binata na magpagawa  at magbenta ng mga face mask sa mga susunod na araw upang makatulong sa mga kababayan nating mananahi na patuloy pa ring hinaharap ang krisis sa bansa.

“The events industry was heavily affected by the pandemic. Part of this industry are the people who make the gowns and suits for weddings, debuts and formal events.

“We got to collaborate with a group of sastre as they make these quality reusable face masks. All proceeds will go to them.

“More details, soon.” post ni Robi sa Instagram.

Samantala, noong Biyernes ay nagpa-swab test si Robi bilang paghahanda para sa isang bagong proyektong gagawin. (Reports from JCC)

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with