Bitter!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2020 - 12:00am

Grabe ang nakaw-eksena ni BB Gandanghari.

Pero parang hindi naman maganda ang timing ng mga revelation niya at parang bitter lang siya sa buhay kaya panay ang mga pasabog niya.

Walang relevance ang mga sinasabi niyang throwback story sa buhay ni Rustom Padilla, na para bang napakatagal na panahon na naganap kaya hindi na gaanong pansin pa ng mga tao sa ngayon.

Ang nakakainis nga ay marami pa ang nadadamay na pangalan dahil blind item nga ang style ng kanyang pagbubulgar. Mas mabuti pa nga na tumahimik na lang si BB Gandanghari, dahil ang layo na niya sa Pilipinas at nasa USA na siya. Dapat masaya na siya sa buhay na pinili niya at huwag ng manggulo pa.

Mas mabuti na ‘yung tumahimik na lang siya, para kahit paano ‘pag gusto niya pang bumalik baka puwede pa.

Now kung mang-iintriga siya, baka wala na siyang mabalikan pa. Sayang. 

Tangkilikin sariling atin…

Maganda rin ‘yung naisip ng USA na campaign na dapat lahat ng gamit o gagamitin mo ay gawa sa bayan mo. ‘Yung hindi ka dapat dependent sa made in China o saan mang bansa. Ang dapat mong bilhin ay ‘yung made in the Philippines kung ikaw ay Pilipino.

Kung merong gamit na gawa sa atin, bakit kailangan ‘yung gawa sa labas ng bansa ang bibilhin mo?

Patronize our own. Kung hindi ka magiging dependent sa gawa ng iba ay baka mas lumago pa ang ekonomiya natin at mas lumaki pa ang economic growth.

Totoo ‘yung sinabi ni Diane Sawyer, hindi dapat ang gobyerno ang magsabi nito sa mga tao. Dapat tayo mismo ang sumunod sa panuntunan, dahil kung tayo mismo ay ayaw natin ang produkto natin, sino pa ang gugusto rito? Kung tayo ay ayaw nating bilhin, sino pa ang bibili?

Ang ganda ng pagkakalahad ni Diane Sawyer sa kung gaano kalaki ang nakukuha ng China sa pera ng US, dahil sa mga produkto na binibili ng mga citizen nila na kung sarili sanang gawa ng US ang mas binili, mas marami ang trabaho at mas mataas ang savings ng gobyerno.

Totoo iyan, maganda naman ang mga produkto natin. Kung wala tayo noon, saka lang tayo bumili sa iba. Atin muna bago kanila.

Spoiled…

Hay naku  naloka ako sa pagka-spoiled ko kay Ka Tun­ying at Rossel Taberna ha. Imagine mo, na ipagawa nila ako ng mug at writing pad na may photo nina Kim Soo Hyun at Jo In-Sung para lang sa validation ng pagiging fanatic ko hah hah.

Hindi alam nina Ka Tun­ying at Rossel na ang dami kong Korean oppa at papalit-palit ako ng addiction, pero siyempre, legally married and blind ako kay Jo In-Sung noh.

‘Kaloka lang na isang matanda na 73 years old na tulad ko ay pinagbibigyan nina Ka Tunying at Rossel sa kagagahan, hah hah.

Kaya sabi ko nga, kahit saan pa mapuntang radio station sina Ka Tunying at Gerry Baja, susundan ko at pakikinggan, promise.

Sobra sa bait ang mag-asawang Taberna kaya naman puno sila ng blessings. ‘Yung feel mo talaga ang sincerity at kindness nila na mula talaga sa puso.

Thank you, kahit sa ngayon, ang object ng affection ko si Kim Woo Bin, love ko pa rin sila Kim Soo Hyun at siyempre, ang forever oppa ko na si Jo In-sung.  

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with