BB, noon pa gustong gawin ang lihim nina David at Jonathan
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2020 - 12:00am

Muli na namang binuhay ni BB Gandanghari ang matagal nang nilulumot na isyu para maging active lang ang vlog niya.

Ang bago na namang  ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel na kuwento nina David at Jonathan ay naikuwento na noon pa ng namayapang si Tito Alfie Lorenzo.

May ilang nakakaalam na tungkol diyan pero hindi na ibinulgar at sinulat ng iba alang-alang na lang sa kabaitan at pananahimik ng ilang taong involved.

Minsan nga ay ikinuwento rin ni BB na gusto raw niyang gawing indie movie ang kuwento ng pag-ibig niya.

Masalimuot, makulay at maraming ilang kilalang taong madadamay, kaya dini-discourage na siyang mahirap ituloy ‘yan dahil maraming masasagasaan.

Since nauso itong mga personal vlog na pinagkakakitaan ng karamihan sa YouTube, heto’t panay ang pasabog ni BB Gandanghari.

Nang nakausap nga namin si Anjo Yllana sa DZRH noong nakaraang Miyerkules, naungkat din ang kontro­bersya nang pagbibiro nila ni John Estrada noon sa Palibhasa Lalaki na naging dahilan ng pag-alis ni Carmina Villarroel sa naturang sitcom at naging mitsa ng gulo ng pamilya Padilla sa pamilya Anjo.

Aminado si Anjo na nasaktan siya sa ginawa niyang iyon na kung saan sumunod lang daw siya sa utos ng assistant director na gawin ang birong iyun.

Aniya : “Alam n’yo nung nagawa ko yun at nagkaroon nga po ng reactions, negative reactions, I was very really hurt kasi kaibigan ko rin si Rustom, kasama ko si Carmina. Pinagsisihan ko ‘yung nangyari. Apektado ako nun, kasi I don’t wanna hurt feelings ng people…person.”

Pero naihingi naman daw niya iyon ng sorry kay BB. “Nung nagkita kami ni Rustom, Gandanghari na nga siya, okay po kami. Nagyakapan pa kami, tapos alala ko nag-sorry ako sa kanya.

“Hindi naman po umere yun eh. It was a private joke na utos sa akin. Ako naman si sunud-sunuran lang.        

“I respect Rustom. I respect BB Gandanghari. I respect him pa rin, kasi nakilala ko siya as Rustom at para sa akin si Rustom pa rin siya para sa akin, and BB Gandanghari na ngayon ang pangalan niya, I still respect him as a person. Wala na po dito ang gender issues po,” seryosong pahayag ng comedian/TV host.   

Magsisimula na si Anjo ng noontime show niyang Happy Time sa Net 25 at aware siyang may programa roon si Robin Padilla. Kaya nagparating daw siya ng mensahe kay Robin na magkakasama sila sa naturang network.

Hindi malayong mag-guest si Robin sa Happy Time, kaya huwag na raw sanang buhayin pa ang matagal na nilang isyu, pabiro sa akin ni Anjo.

Kokoy may offer na p2.5 million?!

Sa mga sumusubaybay ng mga BL series, baka inaasahan nilang bukas, Linggo na nila mapapanood ang finale ng Gameboys.

Sa susunod na Linggo, September 13 pa nila ito mapapanood, pero tinitiyak nilang magustuhan ito ng mga manonood.

Kinarir ito ng IdeaFirst at ni direk Andrew Ivan  Payawal ang episode 13 dahil mataas ang expectations ng followers nito.

Sabi ni direk Perci Intalan na katuwang ni direk Jun Lana sa proyektong ito, “Ang daming busisiin sa editing at sa music eh. Siyempre, na-pressure kami na higitan ang episode 10.”  

Pero tiniyak naman nilang sulit-sulit ito dahil pinahaba nila ang episode na ito.  Pagkatapos nito ay aayusin na nila ang Gameboys the Movie dahil excited na rito ang mga stars lalo na si Kokoy de Santos na pinasikat nitong BL series.

 Lalong dumami nga ang fans ng guwapitong aktor kasama na pati ang producer na si Joed Serrano.

Nagkaroon lang ng malisya ang pagkahumaling sa kanya ni Joed dahil ina­lok pala ito na gumawa ng pelikula na kung saan may inilaang isang milyong pisong talent fee para sa kanya.

May nakarating pang kuwento sa aming inilakad pa raw ni Joed sa isang business partner niya na kuning endorser si Kokoy sa isang produkto. Tumataginting na P1.5M ang sinasabing talent fee, pero ewan ko lang kung natuloy ang negosasyon dahil iniwas muna si Kokoy na ma-link kay Joed.

Kung totoo nga itong mga plano sa aktor, sayang din ang pinalagpas na P2.5M ni Kokoy ‘di ba?

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with