BB nandamay ng âpatayâ para kumita?!
BB
STAR/ File
BB nandamay ng ‘patay’ para kumita?!
ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2020 - 12:00am

“Hindi ba dapat mai-demanda si BB Gandanghari, dahil nagdamay pa siya ng ibang tao kumita lang sa kanyang blog,”sabi ng isa naming kakilala.

Pinanood naming muli nang buo ang video blog na inilabas ni BB sa kanyang social media channel. Doon talagang ine-expose niya ang “sexual escapades” ni Rustom Padilla habang nasa US, kasama ang isang actor. Sinabi niyang noong panahong iyon ay kahihiwalay lang ni Rustom sa kanyang dating asawang si Carmina Villarroel. Ni wala silang sinabing nagkaroon ng relasyon si Rustom sa actor. Batay sa kuwento niya, mukhang “fling” lang. Nagsimula lang sa isang “kiss”.

Kung may dapat magreklamo laban kay BB, iyon ay walang iba kundi si Rustom dahil pinakialaman ang pribado niyang buhay. Pero sinasabi nga ni BB, “wala na si Rustom”, at kung nariyan man, idedemanda ba niya si BB?

Ang maaari pang magdemanda kay BB ay ang ermat o mga kapatid ni Rustom, kung inaakala nilang nasiraan nga sa nasabing blog ang actor at nadamay sa kahihiyan ang kanilang pamilya, pero gagawin ba nila iyon? Maliban doon sino pa nga ba ang makakapagdemanda kay BB dahil sa blog niya?

Marami na ang gumawa ng ganyan. Isa pa ngang example si Mark Bautista. Nag-out siya at inaming nagkaroon siya ng affair sa isang actor. Kung tutuusin mas matindi iyon dahil libro, at mababasa pa nang paulit-ulit hanggang ng mga susunod na henerasyon. Pero sino ang magdedemanda kay

Mark kung inamin man niya na siya ay gay at may nakarelasyong isang kapwa niya actor?

Hindi isang krimen ang aminin ng isang tao na siya ay bakla, o may kakaibang sexual preference, maliban kung may ibang apektadong partido. Pero sino nga ba? Hindi nakalusot sa kongreso ang SOGIE bill, at sinabi na rin ng Korte Suprema na hindi puwede iyon. Pero kung uusigin ninyo si BB, o kahit na si Mark dahil sa sinabi nila tungkol sa kanilang sarili, kayo ang madedemanda ng discrimination.

Andi umaming ‘ginamit’ si albie

Ipinagbubuntis na nga ni Andi Eigenmann ang kanyang ikatlong anak, pero inamin niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagso-sorry kay Albie Casiño. Noon kasing ipagbuntis ni Andi at hanggang sa naipanganak nga ang panganay niyang si Ellie, sa takot daw nila kay Erap, hindi nila maamin na ang tunay na tatay ng bata ay si Jake Ejercito. Napagbintangan si Albie, at sa totoo lang idiniin pa nila lalo na noong magalit ang ermat at naghahamon ng DNA test ng bata.

Nang malaunan, inamin na rin nilang si Jake nga ang tatay ni Ellie at walang kasalanan si Albie. Pero hindi pala siya nag-sorry hanggang ngayon.

Aktor na hiwalay na sa asawa, pumatos din ng bading

“Naku, huwag nilang ipagmamalaki ng actor na nahiwalay sa asawa, dahil sa totoo lang, ilang gays din naman ang napagdaanan niyan. Noong panahong walang-wala iyan, kung sinu-sino ring mga bakla at matrona ang pinatulan niyan. Nakaahon na nga lang siya dahil sa kanyang asawa. Pero hindi naman niya talaga gusto ang naging asawa niya. Pinatulan lang niya dahil sa pera, kaya hindi natigil ang pambababae niya. Iyon naman ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay,”sabi ng badingding na source namin.

Ay ganoon pala ang talagang nangyari sa poging actor na nahiwalay sa asawa. May milagro rin naman pala kasi talaga.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with