^

PSN Showbiz

Mga artista hindi na puwedeng mang-bluff ng talent fee

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

‘Yung balita na magsasama sa isang show sina Luis Manzano at Billy Crawford ay very welcome.

Maganda ang combination ng dalawa, swak ang chemistry at mukhang may laban agad kung iisipin mo.

So far, lahat ng nababalitang gagawing show ng TV5 ay magaganda at panlaban sa rating. Mas mukha pa ngang maganda ang mga line up ngayon kaysa noong naunang launching ng Channel 5.

Ganyan kasi dapat ang ginawa noong una pa lang, pinakiramdaman muna ang market, pinag-aralang mabuti at hindi nagpadala sa engganyo na kumuha agad ng big stars, pero hindi mo alam kung ano ang gagawin nila.

Saka noon, ang nasusunod ay ‘yung gusto ng stars kaya naman lumalaki ang cost of production. Meron kang star pero walang magandang project, now project muna talaga saka kinukuha ang mga artista.

At wala na rin ‘yung gaya ng dati na bluffing sa negotiation, ngayon ‘yung tunay na presyo at trabaho na ang pinag-uusapan.

Ngayon ay nakikita mo na at nadarama, maganda na ang path na tinatahak, maganda na ang mga plano, ayos na. Panlaban na talaga at palaban na.

Christmas songs, nakakaiyak

Totoo nga Salve, na ang kanta ay language of the soul. Narinig ko sa radio ‘yung pagpapatugtog ng Christmas song ni Jose Mari Chan at talagang na-teary eyed ako. Para bang nagkaroon ako ng lump sa throat at biglang naging nostalgic. Parang gusto kong maiyak at parang biglang pumasok sa isip ko ‘yung kapilyahan ko noon na pag nasa abroad at sumama ako sa shooting, at na-feel ko na homesick na ang production crew, sa kagagahan ko, nagpapatugtog agad ako ng Christmas song kaya lalo pang naho-homesick ang mga crew at nagpipilit nang umuwi.

Ngayon ko na-feel iyon, ang feeling na “wow, Pasko na, dapat kasama ko lahat ng mahal ko.”

Talagang iba ang dating ng lyrics ng kanta ni Mr. Pasko, Jose Mari Chan, iba ang hagod sa puso.

Naku, melancholia na naman dahil sa ihip ng hangin. Basta, Happy Pasko sa lahat.

Public officials, nakaka-tense ang kalagayan

Naku nag-worry ako nang mabalitaan ko na nagkasakit daw si Mayor Enrico Roque ng Pandi.

Isa sa mga special na tao sa buhay ko si Mayor Enrico dahil sa totoo lang, isa siya sa pinakamabait at karapat-dapat na igalang na tao.

Napaka-considerate at matulungin niya, lagi mong makikita ang pagmamahal niya sa bayan ng Pandi, kaya wish at dasal ko na lagi siyang maging healthy at hindi dapuan ng sakit.

Sobrang na-tense ako kasi nga ang mga public official natin ang madalas tamaan ng COVID-19 dahil sa rami ng tao na nakakasalamuha nila araw-araw, plus talaga namang wala silang pahinga sa mga ganitong pandemic.

Stay safe and healthy, Mayor Enrico Roque.

Huwag kayong magkasakit, basta kailangan ay safe kayo. Maraming nagmamahal sa inyo.

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with