_ngayon
^
Luis at Billy, bubulaga sa noontime show?!
Luis at Billy
STAR/ File

Luis at Billy, bubulaga sa noontime show?!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2020 - 12:00am

Makaka-tandem diumano ni Luis Manzano sa binubuong noontime show ng TV5 si Billy Crawford.

Yup, as in ang grupo nina Luis at Billy daw ang bubulaga sa nasabing noontime show. May binanggit pang ibang names ang nagkuwento pero inaayos pa raw.

Marami nang shows na pinagtambalan ng dalawa sa ABS-CBN kaya asahang bongga ito.

Samantala, nabanggit kahapon ni Nay Cristy Fermin sa Take It… Per Minute, Me Ganun! (yup napanood na uli starting this week ang no. 1 online talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy and Mr. Fu sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON), na kinuha ng grupo ni former Congressman Albee Benitez si Mr. Johnny Manahan as program consultant.

Kaya talagang asahan daw na magiging familiar ang bagong shows ng TV5.

Kaya naman nagpapasalamat ang Kapamilya fans sa TV5 sa pagkupkop sa kanilang mga idolo.

Pero ang appeal nila, sana raw pati ang small workers ng ABS-CBN ay mapasama sa mabibigyan ng trabaho ngayong meron pa ring pandemya at walang franchise ang Kapamilya Network.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng live sa episode 64 ng TIPMMG yesterday, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Marami silang chika about Arnold Clavio and Sarah Balabagan, Ted Failon, Noli de Castro at marami pang iba.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with