^

PSN Showbiz

Alex itutuloy ang trabaho pagkakasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex itutuloy ang trabaho pagkakasal
Mikee at Alex
STAR/ File

Apat na taon nang magkasintahan sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Kamakailan ay namanhikan na rin ang pamilya ng binata sa pamilya ng aktres kaya nalalapit na ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Ayon kay Mikee ay naramdaman niya kaagad noong bago pa lamang silang magkarelasyon ni Alex na ang dalaga na ang gusto niyang makasama habambuhay.

“Ako kasi kapag pumapasok ako sa isang relationship, hindi ako papasok para whatever lang. Gagawin mo lahat, ita-try mo pero seryoso ka lagi. ‘Yon ang intention ko, seryoso kami hanggang sa nakita ko na kaya ko naman. Hindi ko maisip kung kailan. Sa start, ‘yon lang ang main goal ko. Sa awa ng Diyos umabot kami ng four years tapos ngayon engaged na,” pagbabahagi ni Mikee.

Ngayon ay pinaplano na ng magkasintahan ang kasal at sobrang excited na raw ng binata na bumuo ng sariling pamilya.

“Actually, sa lahat. ‘Yung being with her pag-uwi, hanggang sa magkaanak, tumanda. Excited ako sa kung anong mangyayari,” giit niya.

Kapag natapos na ang kasalan at magkaroon ng sariling pamilya ay hindi umano patitigilin ni Mikee sa pag-aartista si Alex.

“Parang napaka-selfish. Ayaw kong palitan niya ‘yung buhay niya para sa akin. Dapat partners kami. Parati ko ngang sinasabi sa kanya, mag-grow ka sa sarili mong career, mag-grow din ako tapos babalik tayo sa isang bahay at pagkukuwentuhan natin ang mga ginawa natin. Tama si Catherine (Alex), kung sakaling hingin ko man iyon, there has to be a valid reason,” makahulugang paliwanag ni Mikee.

Ria, marami nang natutunan sa pagho-host

Maraming mga bagay na ang natutunan ni Ria Atayde bilang isang talk show host. Napapanood na sa TV5 ang Chika BESH! kung saan ay kasama ng aktres sina Pokwang at Pauleen Luna bilang mga host.

“I’m having so much fun. I’m learning so much. In terms of TV5, I feel safe in the studio considering they’re very strict about protocols. I’m having fun naman and very comfortable already which is good,” paglalahad ni Ria.

Ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na makapag-host ang aktres ng sariling TV program. Malaki ang pasasalamat ni Ria sa pamunuan ng Star Magic na palaging nakasuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

“My network has been good to me, to my career so far. It never crossed my mind that it was something would happen, ever,” dagdag ng dalaga.

Masaya rin si Ria sa na­ging desisyon ng Star Magic na payagang makagawa ng mga proyekto sa iba’t ibang TV networks ang karamihan sa artista ng ABS-CBN.

“I’m happy about it of course. At the end of the day I’m grateful. Gano’n talaga mag-isip ang Star Magic, they’ve always, ‘artists first’ and considering everything that has happened, it makes me so grateful na talagang iniisip nila at the time like this is, artists need to have work. And these artists need an outlet for their craft. At this point talaga it should go beyond network wars,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with