^

PSN Showbiz

Arnold, ayaw tantanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Arnold, ayaw tantanan
Arnold Clavio

Totoo naman, Salve, na kahit ano pa ang trabaho mo, ang personal life mo ay kasali sa moral at social obligation mo. Pero hindi ba’t basta nagagawa mo nang tama ang trabaho mo, dapat din may line na nagdi-divide doon sa personal at professional mong buhay? Totoo, dapat lahat gawin mo para ma­ging malinis pati ‘yung personal life mo na hindi naman kasali sa trabaho mo, pero ‘di ba ‘yung naging pagkukulang mo kung sakali bilang isang normal na lalaki o babae, iba roon sa trabaho mo, sabihin na nating isa kang writer o announcer?

Moral issues are so fragile na hindi mo na rin alam kung saan at ano ang parameters nito. Sabihin nang double standard tayo, na laging ‘yung mas mataas ang may kasalanan, mas matanda, o mas may alam, hindi ba usual­ly ‘yung temptations in your job na mahirap ding iwasan, it takes two to tango?

Basta hindi pinilit, at both consenting to the act, kasalanan ba ‘yung spur of the moment passion? Saka kung matagal ng nangyari, naungkat uli, bakit kailangan pang palakihin at the time na tahimik na ang lahat.

Siguro ang hinabol lang kaya naungkat ang issue iyon acknow­ledgement. Siguro wala namang masamang intensiyon kung bakit nga binuksan pa uli ngayon, kaya sana naman huwag nang gawin issue para mawalan ng trabaho ang isang tao na palagay ko hindi naman iyon ang gusto kung bakit inungkat uli ang pangyayari sa buhay nila.

Maging fair tayo sa panghuhusga at pagbibigay ng komento. Nagkamali o nagkasala, puwede namang patawarin at bigyan ng chance.

Please be fair to Arnold Clavio, sayang ang talento niya para mawala dahil lang sa iniisip ng marami na naging pagkakamali niya.

It is between Arnold and his conscience, between Arnold and Sarah Balabagan, let them settle it, huwag na tayong makisali pa. 

Sharon, walang pagod sa pagtulong sa online sellers

Gusto ko ‘yung ginagawa ni Sharon Cuneta na inilalagay niya ang mga food and items na pinadala sa kanya sa social media. Malaking tulong iyon sa mga online sellers dahil sa lawak ng media connection ni Sharon, marami ang makakakita ng mga ipinagbibili at nakakatulong sa sales ng mga maliit na negosyante.

Very helpful, good job Sharon.

Rom-com at drama, iba ang saya

Ngayon ko na nalaman kung bakit rom-com at drama ang gusto ko na pinapanood. Ayoko ng thriller at horror, paminsan-minsan ko lang type ang action, wah ko type musical at historical movies. Kasi nga ’yung rom-com magaan at iyon drama kahit heavy at mabigat sa dibdib, parang therapy mo na after crying makes you feel good. Saka hindi ba, ‘yung rom-com at drama puwede mo ulit-ulitin na parang ganun parin ang emotional attachment mo rito lalo na pag maganda ang musical background, carried away ka talaga.

Saka madali mo agad ma-gauge ‘yung acting ng stars dahil sa facial expression lang madadala ka na at puwede kang paiyakin o kiligin. Kailangan din very convincing ang voice acting para madala ang emotions mo. Pero siyempre kanya-kanyang taste at hilig. Ang iba nga comedy lang ang gusto, ‘yung iba horror lang. Basta ako dapat kilig at cry. Hah hah hah. 

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with