Judy Ann, marami ring natutunan sa tatlong anak
Agoncillo family
Judy Ann, marami ring natutunan sa tatlong anak
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2020 - 12:00am

Mahigit limang buwan na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Para kay Judy Ann Santos ay mahalaga ang mga panahong ito upang magkaroon ng mas mahabang oras para sa pamilya. “Ngayong araw-araw tayong magkakasama, ito ‘yung time for us to nurture our kids more. I-enjoy natin ‘yung bawat moment na kasama natin sila dahil our kids really look up to us, ginagaya nila tayo. Kaya kung ano ‘yung sabihin natin, gawin natin, pa’no tayo magdamit, paano tayo mag-alaga sa kanila, ibinabalik nila sa atin ‘yon,” paglalahad ni Judy Ann.

Sinisikap din ng Young Superstar na magkaroon ng mga bagong kaalaman para sa tatlong anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna.  “Nag-aral ako with them dahil bilang nanay, kailangan mo rin i-level up ang knowledge mo sa kung ano ang ginagawa ng mga anak mo. Kasama rin nila ako mag-research tungkol sa mga bagay-bagay dahil minsan mas alam pa nila kung ano ‘yung mga bago at trending kaysa sa ‘kin, at mas natututo ako from them and with them,” pagtatapat ng aktres.

Sa murang edad ng mga anak ay tinuturuan na rin ni Juday ng mga gawaing bahay ang tatlong bata. Paglilinis ng bahay, paglalaba, paghuhugas ng pinagkainan, pagdidilig sa halaman at pagtatanim ay ilan lamang sa mga gawaing itinuro ng aktres sa mga anak. “Recently nagtatanim kami nina Lucho at Luna ng mga veggies na pwede naming ulamin. We need to equip our children with basic survival skills para paglaki nila, hindi sila nakadepende sa ibang tao dahil naturuan natin sila at this early stage,” paliwanag niya.

Ruffa, mas masayang dyowa-dyowa lang

Anim na taon nang magkasintahan sina Ruffa Gutierrez at Jordan Mouyal. Ayon sa aktres ay hindi pa rin tanggap ng inang si Annabelle Rama hanggang ngayon ang nobyong Israeli-French. Kahit matagal nang magkarelasyon ay hindi pa umano napag-uusapan nina Ruffa at Jordan ang tungkol sa pagpapakasal.  “’Yon pa rin, na ayaw pa rin ng nanay ko. Ako naman kasi, I’ve already experienced it and that’s fine and that’s great. Siguro magpapa-birthday na lang ako every year,” nakangiting pahayag ni Ruffa.

Hindi pa talaga nakikita ng aktres na muli siyang makapagsusuot ng wedding gown. Sa halip ay gusto na lamang ni Ruffa na makapagsuot ng white dress at imbitahan ang mga malalapit na kaibigan tuwing kanyang kaarawan. “Siguro hindi pa ako ready. Kasi iba na ang pananaw ko. I mean, this can be agreeable to other people or not, pero si­guro for me, parang mas type ko na ‘yung ganitong set-up,” makahulugang paliwanag niya.

Samantala, dalaga na rin ngayon ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice na parehong aktibo sa Instagram. Anak ng aktres ang dalawa sa dating asawang si Yilmaz Bektas. Tumagal lamang ng apat na taon ang pagsasama ng dating mag-asawa at nagkahiwalay noong 2007. Taong 2012 naman nang mapawalang-bisa ang kasal nina Ruffa at Yilmaz. (Reports from JCC)

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with