^

PSN Showbiz

Sen. Bong kinaiinggitan kaya ‘pinapatay’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong kinaiinggitan kaya �pinapatay�
Sen. Bong Revilla

Ang pinaka-successful revenge sa mga tao na galit o inggit sa iyo is to always be successful and be on top.

Imagine, ang galit ng mga tao na ayaw ka every time na makikita nila na nao-overcome mo ang lahat ng pagsubok sa buhay mo.

You will always be a reminder to them of their failures, of what they don’t have, of what they wanted pero hindi ibinigay sa kanila.

Pumasok ito sa isip ko dahil sa cruelty ng ilang tao kay Sen. Bong Revilla. ‘Yung nakikipaglaban na sa COVID-19 pero meron pa ring nagsasabi na sana huwag na itong gumaling. At ipinamamalita pang namatay na.

‘Yung mga patuloy na nagsasabi na naging masama siya, na hindi na makakabangon pa, pero heto at nanalo pa rin ang senador.

Iyon bang ang sama-sama ng mga sinasabi nila, ibinibintang, pero heto patuloy na binibiyayaan ni God, what more proof na heto siya, mahal ng langit dahil nga si God lang ang may alam ng totoo.

Kaya nga kahit na gusto kong magalit sa mga tao na walang ginawa kundi magsalita ng masama tungkol kay Bong, pasalamat pa rin ako dahil nakikita ko ang blessings na ibinibigay sa kanya.

Dahil ang importante lang naman ay ‘yung paniniwala ng nasa Itaas, ‘yung mga nasa ibaba na patuloy ang pagkabulag sa gusto nilang paniwalaan, ok lang, ang mahalaga, heto siya, may mga pagsubok sa buhay pero nalalagpasan.

At sabi ko nga, the perfect picture of his bashers’ failures in life, imagine sinasabi nilang malinis sila, mabuti, pero hindi narating ang kinalalagyan ni Bong Revilla.

Continue your bashing, your hatred, basta ang mahalaga, buhay si Bong Revilla, at patuloy na binibigyan ng biyaya. Thank God.

Fans ni healing... siguradong malulungkot

Nabasa ko sa column mo, Salve, tungkol sa Healing Galing ni Dra. Edinell Calvario at ng supervising producer na si Nestor Tan.

Naku totoo, Salve, maraming malulungkot pag nawala ‘yung Healing Ga­ling dahil ang daming mga maysakit na followers ng programa na ito.

Hindi nga ba humingi pa ako ng tulong noon kay Cristy Fermin para makuha number nina Dra. at Nestor dahil ‘yung mga kapatid ko fan ng Healing Galing at kasali sila sa maraming pumipila para bumili ng mga gamot na ginagamit sa holistic healing.

Saka ang dami talagang naniniwala sa mga natural medicine na ginagamit nila sa panggagamot.

Dapat itong mga ganitong programa ipagpatuloy dahil naiiba naman sa usual na pinapanood.

Siguro naman alam ng TV5 na maraming viewers ang Healing Galing kaya baka puwedeng ibahin oras o araw pero ipagpatuloy.

Totoo, Salve, iyong sinulat mo, tiyak maraming affected pag nawala ang Healing Galing nila Dra. Edinell, kabilang na riyan ang kapatid at hipag ko na fan ng naturang show.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with