^
Katy Perry may donation drive pagkapanganak!

Katy Perry may donation drive pagkapanganak!

Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsilang na ng kanilang babies ang singers na sina Katy Perry at Lea Michele.

Isinilang ng pop singer na si Katy Perry ang anak nila ng fiance na si Orlando Bloom noong nakaraang August 27. Pinangalanan nila ang kanilang baby girl na Daisy Dove Bloom.

Binati sina Katy at Orlando ng UNICEF kung saan mga Goodwill Ambassadors sila.

“Welcome to the world, Daisy Dove Bloom! We are honoured to introduce Goodwill Ambassadors Katy Perry and Orlando Bloom’s new bundle of joy.”

Heto ang official statement nina Katy at Orlando:

“In celebration of the heart we know our daughter already has, we have set up a donation page to celebrate DDB’s arrival. By supporting UNICEF, you are supporting a safe start to life and reimagining a healthier world for every child. We hope your love can bloom with generosity. Gratefully, Katy and Orlando”

Noong August 20 naman sinilang ng Glee star na si Lea Michele ang baby boy nila ng mister niyang si Zandy Reich. Pinangalanan nila itong Ever Leo.

Pinost naman ng 33-year old singer-actress ang first photo ni Baby Ever via Instagram na may caption na: “ForEver grateful for this true blessing.”

Ayon sa rep ng mag-asawa, maayos ang lahat at nagbo-bond na sila with the baby: “They are at home bonding with the baby and resting. He has been very calm so far and sleeps a lot. Zandy has been incredible, and they are doing every­thing together. He steps in whenever Lea needs an extra hand and wants to be there at all times. They are establishing a routine and keeping things very peaceful.”

Noong kasalukuyang buntis pa si Lea, na-bash ito sa social media dahil sa pagbunyag ng ilang Glee co-stars niya na isa siyang mean and difficult person to work with for many years.

Nag-apologize na si Lea sa mga taong nasaktan niya dahil sa kanyang attitude noon. Ngayon at isa na siyang ina, she will be a better person para sa kanyang anak.

“Becoming a mother, I know I need to keep working to better myself and take responsibility for my actions, so that I can be a role model for my child and so I can pass along my lessons and mistakes, so that they can learn from me. I listened to these criticisms and I am learning and while I am very sorry, I will be better in the future from this experience,” sey ni Lea.

 Roi Vinzon sa bundok namalagi 

Sa kanilang probinsya namalagi ang veteran actor na si Roi Vinzon kasama ang kanyang pamilya noong magkaroon ng lockdown.

 Ayon sa 68-year old actor, mas presko raw ang hangin sa probinsya na siyang kailangan niya para hindi sila magkasakit.

Dahil former action star si Roi, napanatili niyang malakas ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-work out. Pero noong lockdown, mas hinanap niya ang sariwang hangin sa probinsya.

“Iba pa rin kapag malinis ang paligid mo. Kaya kami minsan, umaakyat kami ng bundok kung saan sariwa at malinis ang hangin. Kailangan ng katawan natin yan,” sey pa niya.

At habang wala pa raw noong taping si Roi, pinapagana raw niya ang kanyang utak sa pagbasa ng lumang scripts niya. “Hindi lang katawan ang dapat mong pag-ingatan ngayon kundi pati pag-iisip mo. Kaya minsan, binubuksan ko mga lumang scripts ko at binabasa ko ulit. I try to memorize at inaarte ko siya. Gusto kong maramdaman na kaya ko pang umarte kahit matagal akong di nakapag-taping.”

Natuwa naman si Roi nang malaman niyang malapit na ulit silang magsimulang mag-taping para sa GMA teleserye na Descendants Of The Sun.  

 

KATY PERRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with