^

PSN Showbiz

Bernadette, nasaktan sa pagkasibak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bernadette, nasaktan sa pagkasibak
Bernadette
STAR/ File

Ngayon na ang huling araw ng trabaho para sa karamihan ng empleyado ng ABS-CBN. August 31 ang opisyal na pagtatapos pero isa naman itong national non-working holiday sa bansa.

Isa si Bernadette Sembrano sa natanggalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Kapamilya network. Ayon sa broadcast journalist ay nawala na ang kanyang tungkulin bilang isang field reporter para sa public service segment ng TV Patrol. “I got a call from my superior, I was told I was retrenched. Masakit din, but this isn’t the first time that this happened to me. That I was enjoying the morning tapos pagdating ng hapon, medyo not so good news,” pagbabahagi ni Bernadette.

Kahit natanggal bilang field reporter ay mananatili pa rin namang news anchor si Bernadette ng TV Patrol. Inasahan na umano ng newscaster na mapapabilang siya sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Matatandaang hindi binigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso ang Kapamilya network na naging dahilan ng pagsasara nito.

Mayroong mga natutunan si Bernadette dahil sa mga nangyari. “Ang una kong naisip was dapat talaga sa buhay sakto lang para alam mo kung kanino pa rin nanggaling ang totoong kaligayahan. Huwag sosobra kasi ‘pag sumobra, baka makalimot ka na,” makahulugang pahayag niya.

Para kay Bernadette ay malaki ang kanyang ipinagbago dahil sa pagiging field reporter para sa Ang Lingkod Kapamilya segment. Dahil sa trabahong ito ay nakakasalamuha niya ang mga Kapamilyang mayroong pangangailangan at natutulungan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. “I am grateful. I am a changed person because of my fieldwork and I know that every moment I had as a field reporter. Wala akong inaksayang aksyon. So I hope you choose the positive that happened today to remember each day and remember to be grateful,” pagtatapos ni Bernadette.

Luis, nami-miss na ang normal hosting

Hinahanap-hanap na ni Luis Manzano ang makapagtrabaho nang normal bilang isang TV host. Mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay naging limitado na ang mga ginagawang trabaho. “Nakikita ko ngayon from some shows, naka-face shield pa. Pero sa akin the most special thing is talking to someone, learning from someone. ‘Yung tumatawa tayo nang harapan, ‘yon ang nami-miss ko. Para sa akin that’s where the magic of hosting comes in, ‘yung conversation. So I miss having those conversations, punchlines, lahat,” pagtatapat ni Luis.

Maraming mga programa na ang nagawa ng binata sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ni Luis sa MYX kung saan siya nagsimula bilang isang VJ o video jock noong 2002. “Iba ang training namin sa MYX dati. This was the age na wala pang teleprompters. That’s why I really value the training na ibinigay sa amin ng MYX. After MYX and next show ko was ASAP. My main show for ABS-CBN was ASAP. From there nagtuluy-tuloy na, nag-SCQ (Star Circle Quest) na. Pinakauna kong game show was Panahon Ko Ito kasama si Billy Crawford. Pero I will forever credit MYX. Sila ang unang-unang nagtiwala sa akin as a speaker, as a VJ, as a host,” pagdedetalye ni Luis. (Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with