^

PSN Showbiz

Mahihilig sa beauty salon, puwede na uli

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mahihilig sa beauty salon, puwede na uli
Bambbi Fuentes

Nakakatuwa naman na ang mga beauty salon tulad ng Bambbi Fuentes Salon open na for business at puwede na lahat ng services.

Kung hindi pa man masyadong sanay ang mga tao ngayon pumunta sa salon, at least kahit paano ‘yung haircut, hair treatment puwede nang gawin.

Malaki rin kasi ang nawala mula nang hindi na puwede mga grandeng kasalan, wala na rin masyado na nagpapa- make up dahil nga sa mga protocol, pero siyempre iba pa rin ang services na hinahanap ng clients na sanay na sa alaga ng mga beauty salon like ng Bambbi Fuentes.

At bongga dahil talagang sinusunod nila ang social distancing at mga health chuchu like alcohol, disinfectant, lahat ng dapat gawin para clean ang paligid ng Bambbi Fuentes.

Bongga ‘di bah!

Ka Tunying at Gerry, pinatibay ang DZRH

Bongga ang radio journalists natin ngayon, Salve, ha. Lahat halos sila nasa news, ‘kaloka.

Happy ako sa paglipat nina Ka Tunying Ta-berna at Gerry Baja sa DZRH.

Maganda ang move na iyon na lalo pang nagpatibay ng lakas ng DZRH sa radio listeners.

Maganda rin ang team work ng announcers ng DZRH, sina Deo Macalma, Cesar Chavez at iba pa, tapos dagdag pa ang lakas nina Ka Tunying at Gerry kaya lalo pang lalakas ang station nila.

Lahat ng fans nina Ka Tunying at Gerry ay tiyak na susundan sila kahit saang istasyon, kaya sureball na ang lagay nila sa bago nilang tahanan.

Congrats, guys, tuloy ang ligaya sa pakikinig.

Raffy mamahalin ang mga sapatos

Bongga naman si Raffy Tulfo. Ang paborito pala niyang koleksiyon ay sapatos, kaya pala kahit si Kris Aquino, ang unang napansin kay Raffy  ay ‘yung mga sapatos nito.

Hindi ba, Salve, ikaw ang nagsabi sa akin na marami ring Korean actors ang fetish eh collection ng shoes?

Siguro nga may ibang appeal ang sapatos sa mga taong mahilig dito although legendary na ang shoe collection ni Madam Imelda Marcos.

Hay naku, sabi naman ni Kris, makikita mo ang ugali ng tao sa mga sapatos na suot nito, bongga.

Paano iyan, slippers ako at hindi pa expensive collection ha, so so lang, baka mababa ang standard ko noh! Hah hah.

Pero sa totoo lang, curious din akong makita ang expensive shoes ni Raffy Tulfo, mahal daw ang karamihan nito, bongga.

Kainggit ha, pero dahil napaka-generous naman ni Raffy Tulfo sa pagtulong, may karapatan siyang magkaroon ng mamahaling collection noh!

Deserving siya.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with