Jodi, ini-stalk ang nililigawan ng anak
Jodi at Thirdy
Jodi, ini-stalk ang nililigawan ng anak
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2020 - 12:00am

Maglalabinglimang taong gulang na ang anak nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na si Thirdy.

Ayon sa aktres ay mayroon nang natitipuhang babae ang binatilyo kaya kinikilala niya ang mga ito online. “I think it’s okay children. They have to understand na if we do research, it’s not because gusto natin magkontrabida or makialam or manghimasok sa buhay nila. May karapatan tayo bilang tayo ang kanilang mga ina. We just want to make sure na tama ba itong natitipuhan ng anak ko? Ano ba ang mga tipo niya? Part iyan ng research natin kung ano na ba ang mga likes niya pagdating sa
crushes or klase ng mga friends,” paliwanag ni Jodi.

Kahit isang single mom ay sinisikap umano ng aktres na mabigyan ng maayos na buhay at magandang kinabukasan ang anak.

Nanatiling magkaibigan sina Jodi at Pampi  at responsableng ama rin daw ang huli para kay Thirdy. “I think that no matter what happens, ipaglalaban mo na maitaguyod pa rin siya nang matino, nang maayos. Kahit na parang hindi ko man siya nabigyan ng isang buong pamilya, I made sure na I will always be here sa abot ng makakaya ko to provide him with a good life,” giit niya.

Diego, exagge na kuya sa mga anak ni Sunshine

Kahit magkaiba ng mga ina ay responsableng kuya naman daw si Diego Loyzaga sa tatlong kapatid na babae.

Anak ni Cesar Montano ang aktor kay Teresa Loyzaga at si Sunshine Cruz naman ang ina nina Samantha Angeline, Angelina Isabele at Angel Francheska. “Siyempre as much as I can help or give advice I’m always there for them. I always assure them na nandito ako if ever they need to ask me something. Siguro exaggerated nga ‘yung pagiging older brother ko sa kanila. In a way na, ‘Uy! This might not be good!’ Or, ‘Uy! Baka pwedeng huwag ka na lang pumunta sa ganyan.’ But they’re also living their own lives eh. There’s always so much you can advise. You have to let that person also live their life,” pagbabahagi ni Diego.

Kamakailan ay pumirma ng kontrata ang aktor sa Viva Artists Agency. Babalik na sa trabaho si Diego dahil talagang hinahanap-hanap niya raw ito at dahil na rin sa kahilingan ng kanyang mga tagahanga. “Kasi I know who these people are, kasi they still message me until now. Nakikita ko pa rin ‘yon, non-stop. Nakikita ko talaga ‘yung mga messages nila. I just want to say thank you from the deepest part of my heart. I really mean it,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with