Lider-katutubo patay nang 'gilitan ng leeg' sa North Cotabato; pabuya inihahanda 
Satellite image ng Magpet, North Cotabato mula sa kalawakan
Google Maps
Lider-katutubo patay nang 'gilitan ng leeg' sa North Cotabato; pabuya inihahanda 
(Philstar.com) - August 25, 2020 - 12:04pm

MANILA, Philippines — Naghahanda na ng pabuya ang provincial government ng North Cotabato para sa sinumang makatutulong sa ikatutugis ng salarin sa pagpatay sa isang Lumad leader nitong Lunes.

Ika-24 ng Agosto nang barilin, laslasan ng leeg at tanggalan ng mata si Bae Milda Ansabo — isang lider ng tribong Manobo — na kilala sa pagprotekta ng kanilang lupain mula sa "pandarambong" ng malalaking negosyante.

Linggo nang mangyari ang naturang pamamaslang ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa Magpet, North Cotabato sa baranggay ng Mahongkog.

Ayon sa peasant youth advocates na NNARA-Youth UP Diliman, si Ansado na ang ika-265 magsasaka na pinatay sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang patayin sina Anakpawis chairperson Randy Echanis, Bacolod human rights activist na si Zara Alvarez at magsasakang si Reken Remasog sa Negros Oriental.

Labis namang ikinagalit ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco ang nangyaring pamamaslang. Kilalang bahagi rin ng katutubong Lumad — o yaong mga nanggaling sa mga sari-saring tribong hindi Muslim o Kristiyano sa Mindanao — si Catamco.

"This act may instill fear among our [indegenous peoples]... whose only desire is to live in OUR ancestral domain accorting to our culture and tradition," wika ng gobernadora sa isang pahayag.

"Whoever had the evil mind to commit such crime against a helpless and defenseless woman should be brought before the bar of justice."

Posted by Governor Nancy A. Catamco on Monday, August 24, 2020

Pinayuhan din ni Catamco ang pamilya ng biktima at kanilang tribo na magpakatatag at hayaang bigyang hustisiya ng batas ang nangyari lalo na't hindi naman daw sila pababayaan ng gobyerno.

Martes din nang ianunsyo ng governor na handa siyang magbigay ng cash incentives sa mga makapagtuturo at magbibigay impormasyon sa mga pulis kung sino ang mga pumatay kay Ansabo. — James Relativo

INDIGENOUS PEOPLE LUMAD MAGPET MANOBO NANCY CATAMCO NORTH COTABATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with