^
Bagong resto ni Edu at Ben&Ben, apektado ng pandemya
Edu Manzano

Bagong resto ni Edu at Ben&Ben, apektado ng pandemya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

Kasosyo ngayon ni Edu Manzano ang mga bokalista ng Ben&Ben na sina Paolo at Miguel Guico sa isang sa­ngay ng JT’s Manukan Grille na nasa Kalayaan Avenue.

Aminado ang aktor na hindi niya kaagad nakilala ang magkapatid nang kausapin siya ng mga ito para sa bagong negosyo kamakailan. “A month ago, I never even heard of Ben&Ben. I’m turning 65 next month (September 14). I didn’t realize how big a following they have. They have such strong following,” bungad ni Edu.

Agad na napahanga ang aktor nang mapakinggan umano ang mga kanta ng Ben&Ben.

Ipinakilala si Edu ng kaibigang si Patrick Gregorio sa kambal na bokalista ng naturang banda. Natuklasan din ng aktor na kaibigan niya pala ang ama ng magkapatid na si Noel Guico. “He (Patrick) told me, ‘Edu, you have to meet these guys. They are hot.’ Those guys are really, really good. No need of convincing, just listening to Ben&Ben’s music, I knew they have to be part of this. Without question, I said yes. I didn’t even have to give it a thought. Ang galing nila,” pagdedetalye niya.

Maraming mga negosyo na ang nagsara dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Bilang baguhan pa lamang ang restaurant nina Edu, Paolo at Miguel ay talagang naapektuhan din ito ng pandemya. “When we resumed after May, we went full blast. We did double shift come June. So far, we were able to catch up. During the MECQ (modified enhanced community quaran­tine) we didn’t stop and did everything indoors. We started talking about the operations. How we are going to bring the best out of the staff and deliver the food at the soonest possible time. We’ve been busy non-stop,” pagbabahagi ni Edu.

Jessy, nagduda sa offer na kasal ni Luis

Mahigit apat na taong nang magkasintahan sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Aminado si Jessy na pinagdudahan niya ang aktor nang minsang sabihan na gusto siyang pakasalan nito. “It’s more of like, darating talaga sa point na, ‘Will it happen kaya? Totoo kaya ‘yung sinasabi niya?’ Lahat naman tayo may trust issues din. Susuntok tayo kaunti ng doubts, para sa akin It’s a normal thing,” pagtatapat ni Jessy.

Kahit masaya at maayos ang relasyon ng magkasintahan ay nagkakaroon pa rin umano ng paghanga si Jessy sa ibang lalaki. “Yes, of course I do, pero bumabalik pa rin ako sa iyo (Luis). Like kunyari crush ko siya, si Gong Yoo ng Goblin. I still get crushes, I still follow other men on Instagram. Ibig kong sabihin binibisita ko ‘yung profile nila, kung ano ang ginagawa nila. But at the end of the day, bumabalik pa rin ako sa iyo (Luis). Parang nai-imagine ko na ikaw sila. Sobrang mahal kita, ‘yung mukha mo na ‘yung nakikita ko sa kanila. Kaya nagi­ging crush ko siguro sila kasi may trait sila na meron ka,” paglalahad ng dalaga sa kanyang YouTube channel. Reports from JCC

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with