^

PSN Showbiz

Lea, nakatulong ang anak sa bagong single

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lea, nakatulong ang anak sa bagong single
Lea
STAR/ File

Noong Biyernes ay inilunsad na ni Lea Salonga ang music video para sa kantang Dream Again sa kanyang Instagram account. Maaaring mapakinggan ang bagong single na ito ng singer sa Spotify.

Para kay Lea ay talagang napapanahon ang mensahe ng awitin dahil sa kinakaharap na krisis sa iba’t ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

“The significance of Dream Again would be that, while we’re stuck in quarantine or lockdown or whatever it may be, we still can actually aspire and look forward to and plan in the hopes that once all of this is done, we’ll be ready for you to make all those dreams come true,” paliwanag ni Lea.

Ayon sa singer ay nabuo ang naturang music video gamit lamang ang video conferencing software app na Zoom.

“We had a whole international crew of people making this happen, which I loved,” dagdag niya.

Nakatulong din ni Lea ang anak na si Nicole Chien sa paggawa ng digital art o disenyo para sa cover ng bagong single.

“At first she was a little hesitant. Then one fine day she presents this artwork to me, and I showed Josh (manager ni Lea) and he said, ‘That’s absolutely perfect! We’re using the cover.’ When I told her, the smile on her face was so wide,” kwento ng singer.

Barbie at JM, nagkaayos sa lamay

Maayos nang muli ang turingan ngayon nina Barbie Imperial at JM de Guzman. Matatandaang naugnay ang dating magkatambal at naging kontrobersyal din ang kanilang paghihiwalay ng landas noong isang taon.

“Okay kami, as in friends kami. Kasi dati nasabi ko na hindi ko siya kayang maging kaibigan,” natatawang bungad ni Barbie.

“Gano’n naman talaga ‘pag nasaktan ka ‘di ba? Parang hindi mo kaya pang maging kaibigan ‘yung isang tao. Napatunayan naman na timing lang talaga kasi kami nga ni JM ang tagal bago kami nagkabatian talaga. Masasabi ko na friends kami. Pero ‘di naman kami ‘yung friends na nag-uusap, like friends lang talaga. Happy kami na naging friends pa rin kami kahit na medyo may nangyari before,” pagtatapat ng aktres.

Hindi raw inakala ni Barbie na muli silang magkakaayos ng aktor. Ayon sa dalaga ay hindi naman ta­laga naging opisyal ang relasyon nila ni JM noon.

“Medyo nagka-thing kami ni JM pero nawala siya, never naging kami. Rough siya at first, naging magulo after but after ilang months naging okay kami. After ng gulo nagkita kami recently, na hindi naman namin plinano (sa isang lamay). Hindi naman namin in-expect na magbabatian kami. ‘Yon, ‘Hi! Hello!’ ganito, ganyan, and then parang kailangang magpagpag. So kasama namin si Direk Ruel (Bayani), na parang sinabi nila na, ‘Tara! Pagpag tayo!’ nagpagpag kami, kumain kami, nando’n si JM, ang saya,” pag­dedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with