^

PSN Showbiz

Apektado lahat...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Apektado lahat...
Christopher
STAR/ File

Nung una, akala natin lahat isa lang sa mga virus na na discover ang corona. Unang narinig na nagkaroon si Christopher de Leon at Iza Calzado sa mga artista natin. Gumaling kaya inakala ng lahat na tulad ng mga nauna na Sars o Mers, treatable siya, madali lang.

Hindi natin akalain na tatagal ng ganito. Dumami ang namatay, nakita natin ang seriousness ng epekto ng COVID-19. Kahit na takot tayo, iyon likas na lakas ng loob ng Pilipino nanaig, iyon iba ayaw sumunod sa mga patakaran, iyon iba dedma lang sa mga bawal. Parami nang parami ang affected, dumarami ang namamatay.

Sana naman maayos na ito, problema natin lahat ang COVID-19, lahat tayo apektado kaya dapat lahat din tayo kumilos. Sana matapos na. Please

Sanayan lang...

Siguro kahit anong bagay, sanayan lang talaga Salve.

Like sa tagal ng quarantine at lockdown, para bang sanay na ang tao na heto, meron ng mga dapat sundin sa sked at merong mga protocol.

Para ngang nakakatawa iyon batian na have a long weekend dahil halos nasa bahay na nga naman ang lahat kaya hindi mo na pansin na long weekends o meron holidays.

Iyon tamad feeling mo na paggising sa umaga parang hindi mo alam ang gagawin, hindi mo alam how to start your day at halos half of the year na.

Hindi na natin nabantayan ang araw, ang petsa, parang nagdaan na lang. Parang dream ang lahat, hindi mo aakalain totoo pala na nangyayari.

Wow, ibang-iba na ang aura ng pa­ligid. Better time ahead sana, malapit na.

Rhea consistent ang kabonggahan

Bongga si Rhea Tan ng Beau­tederm. Hanggang ngayon patuloy parin ang pagpapadala ng mga Beautederm products at groceries sa mga showbiz friends niya.

At bongga rin TV5 Salve ha, nagpadala ng ring lights na magagamit para sa Zoom para sa virtual presscons.

Hay naku, dapat matuto na ako sa Zoom para magamit ko regalo ng TV5 at habang naka-Zoom ako kumakain ng mga padalang sitserya ni Rhea Tan ng Beautederm.

What a beautiful quarantine life, enjoy talaga!

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with