Underage nina Ruffa, may remake?!
Ruffa
STAR/ File
Underage nina Ruffa, may remake?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2020 - 12:00am

Ang reunion kagabi nina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villarooel. Ginanap ang reunion ng Underage Too girls sa Facebook and YouTube accounts ng misis ni Zoren Legaspi.

Bago ang reunion nilang tatlo, katsikahan ko si Ruffa at napag-usapan namin ang tungkol doon.

Nabanggit ni Ruffa na bago pala nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay napag-uusapan na nila ang tungkol sa reunion mo­vie naman nilang tatlo.

Pero dahil nga sa pandemic, wala na raw siyang nabalitaan tungkol doon.

Kagabi, ire-remind daw ni Ruffa ang dalawa tungkol doon.

Maganda rin naman kung magkakasama uli silang tatlo sa isang pelikula ‘pag nagkataon.

EB kabisado na ang new normal

Kahit nasa studio na uli sila, hindi pa rin pala araw-araw na nagla-live ang Eat Bulaga.

Nong Wednesday at Friday sila nag-live at taped na ang Thursday at Saturday episodes nila.

Noong bago nag-MECQ (modified enhanced community quarantine) at natigil ang pagla-live nila sa studio, Monday to Wednesday na lang ang live nila ang taped na ang Thursday, Friday at Saturday episodes nila.

‘Yan na rin naman ang new normal talaga ngayon dahil wala pa rin namang vaccine sa COVID-19 at hindi pa nga sila puwedeng magkaroon ng live audience sa studio.

Jed natutong magtipid

Masaya si Jed Madela na sunod-sunod ang trabaho niya sa Kapamil­ya network.

Simula noong Saturday (August 15) ay nasa It’s Showtime siya at live ‘yon hanggang kahapon.

Mula Sunday hanggang Thursday naman ay may ASAP Natin ‘To ang singer.

Live sila noong Sunday sa ASAP Natin ‘To at nag-taping sila mula Monday hanggang Thursday.

Uwian daw si Jed sa bahay niya sa Las Piñas City, kaya maingat siya para sa safe sa virus.

Bago raw siya nag-It’s Showtime, nag-swab testing siya.

Bago nagkaroon ng lockdown, sanay si Jed na halos araw-araw nagtatrabaho.

Ngayong may pandemic, tipid-tipid din si Jed dahil marami rin naman siyang bayarin at nagagastos na nga niya ang mga ipon niya.

Sabi ni Jed, noon daw ay may pagkakataon na magastos din siya, pero dahil nga sa pandemic, lahat naman ay medyo tipid na rin talaga.

Ikaw, Ateng Salve, nagtitipid ka rin ba dahil sa pandemic o noon ka pa talaga matipid kaya parang hindi naman affected ng nangyayari ngayon?

‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with