_ngayon
^
Ice Seguerra natatakot sa kalagayan ng amang may sakit
Ice at Liza
STAR/ File

Ice Seguerra natatakot sa kalagayan ng amang may sakit

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2020 - 12:00am

Nang napag-usapan namin ni FDCP Chairperson Liza Diño ang kalagayan ni John Regala, sinabi niyang iniintindi niya ang kalagayan ng aktor dahil alam niyang sa sakit nito, nakakaramdam siya ng matinding pain. Kaya mas gusto raw nitong lumabas na lang ng hospital.

Binanggit nga ni John sa interview sa kanya ni Raffy Tulfo na gusto na rin talaga niyang lumabas dahil inaalala nito ang mga babayarang bill. Ayaw daw niyang lumaki ito nang husto.

Sabi ni Liza, pinagdaraanan din daw ngayon ng pamilya nila ito na nag-aalaga ng may sakit dahil nakaratay nga sa sakit na Prostate Cancer ang ama ni Ice Seguerra na si Decoroso ‘Dick’ Seguerra.

Sobrang inaalalayan daw nila nang husto dahil nakakaranas nga ito ng matinding pain. “Right now kasi like ‘yung Dad ni Ice…si Daddy Dick meron siyang stage 4 cancer na metastasized na siya na we ­really have to give him pain management.

“Yung aspeto na ‘yun, naintindihan ko ‘yung part na ‘yun. Kasi si Daddy Dick ganun din eh. Kaya ginagawa namin ng paraan kung paano siya mapagaan at gawing kumportable ‘yung pang-araw araw niya,” pahayag ni Liza sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi.

Sa panig naman daw niya ay nandiyan lang siya para sumuporta kay Ice na mabigat din ang nararamdaman dahil sa kalagayan ng kanyang ama. “Nakikita ko si Ice, lagi siyang dumadalaw kay Daddy.

“Tapos, ‘yung mga bagay na hindi pa nila napapag-usapan dahil bata pa siya nun o ‘yung mga kinikimkim niyang mga sama ng loob, nagkaroon sila ng chance na mag-usap. Kasi nga si Daddy….he knows his situation…he wants to make up sa mga pagkukulang. Napag-usapan ‘yung mga hindi napag-usapan dati. So, nakikita ko kung paano sila naging mas close ngayon.

“Yung nangyari sa pamilya ni Ice, sina Mommy, si Daddy, lalo silang pinagbuklod ng sitwasyon,” dagdag pa na kuwento ni Liza.

Pero bilib daw siya sa asawa niya na matapang pa rin at pilit na nagpakatatag kahit minsan ay bumibigay na raw ito kapag nagsi-sink in sa kanya na malala na itong pinagdaanan ng kanyang ama.

“Nakita ko ‘yung fear niya, ‘yung takot niya, naramdaman ko ‘yun kasi siyempre minsan ‘pag dumating na ‘yung sitwasyon huli mong naiisip na may sakit si Daddy.

“Nakita ko talaga siyang umiyak. Sobra akong nag-aalala sa kanya. Pero ang tapang niya, sobrang tapang niya,” kuwento pa ni Liza.

Uge nakatapos ng new normal

Bagong episodes na ang mapapanood sa Dear Uge ngayong hapon pagkatapos ng All-Out Sundays.

Nilinaw ng production team ng naturang programa na mahigpit na sinunod nila ang safety protocols at guidelines para matiyak na safe lang ang lahat na kasali sa taping.

“We keep our physical distance and we concentrate on finishing our job for the day. But just to see everyone in the set having fun, it’s so nice. It gives you so much warmth and normalcy,” pahayag ni Uge.

Nairaos naman daw nila nang maayos ang taping at sa katuna­yan magti-taping uli sila next week.

May karugtong pa ito na mapapanood sa August 30.

Samantala, next week na rin ay daraan sa swab test ang lahat na mga artista at production staff ng Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes at ang The Boobay and Tekla Show nina Super Tekla at Boobay.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with