Erich, sariling sikap ang interior ng bahay!
Erich
Erich, sariling sikap ang interior ng bahay!
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2020 - 12:00am

Masayang ipinasilip ni Erich Gonzales ang kanyang bahay sa sariling YouTube channel na ‘Erich Gonzales in Real Life.’ Pinagbigyan lamang umano ng aktres ang kahilingan ng mga tagahangang gustong makita ang kanyang naipundar na bahay. “Nabili ko ‘yung lote when I was twenty two years old. And then nag-ipon tayo, then no’ng 2014, nag-start na ‘yung construction ng bahay. Then same year also, nakalipat na tayo dito. Six years old na ang bahay natin. Wala tayong interior designer, ako lahat ito, sariling sikap,” pagbabahagi ni Erich.

Ayon sa aktres ay talagang nagustuhan niya kaagad ang tanawin noong unang beses na nakapunta sa lugar na pinagtayuan ng kanyang bahay. “I really fell in love with the view. Imagine lang waking up to that everyday, nice lang. I feel like I’m super close to nature kasi maririnig n’yo ‘yung mga chirping birds. Dito makakakita din kayo ng iba’t ibang uri ng butterflies and caterpillars. Super da-ming halaman, daming puno,” paglalahad ng dalaga.

Nagsimula sa show business si Erich nang manalo bilang Grand Questor sa Star Circle Quest noong 2015. Mula noon ay marami nang naging proyekto ang aktres kaya talagang nag-ipon upang makapagpatayo ng sariling bahay. “’Yung house na ito, product ito ng hard work natin and then ‘yung mga brands, mga products (endorsements) na nagtiwala sa atin,” pagtatapos niya.

Matteo at Sarah, nagtatalo na rin

Anim na buwan nang kasal ngayong araw sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Katulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa paminsan-minsan. “We disagree sometimes but at the end of the day, we always make it a point that we look eye to eye and say we have to compromise. This is the first time we are living together. Everything is very new to us. Very masaya, to see her do all these things she’s never done before. It’s amazing,” pagtatapat ni Matteo.

Para sa aktor ay malaki na rin ang ipinagbago ng Popstar Royalty mula noon hanggang ngayong mag-asawa na sila. Anim na taong magkasintahan ang dalawa bago nagpasyang magpakasal noong Pebrero. “Sarah is an incredible wife. I cannot ask for more. A lot of people, before getting married, were like ‘What if she’s like this? What if she’s never done that?’ you’ll never know until you’re there. This is just the beginning for us. But her growth, I mean she’s an incredibly talented person. She’s brilliant eh. I’m happy she knows what she wants. Dati she wakes up at 9, 10 in the morning. Now she’s up before me, 6 a.m. she’s already up. I’m like, ‘Love, please sleep so I can have my alone time. So I can workout!’ But no, she enjoys it,” kuwento ng aktor.

(Reports from JCC)

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with