^

PSN Showbiz

Sen. Bong, hindi akalaing bababa ang immune system

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong, hindi akalaing bababa ang immune system
Sen. Bong

Natutuwa naman ako na nang mabalita na dinala sa hospital si Sen. Bong Revilla ay marami ang nagpakita ng concern at pag-aalala. Bigla kasing lumala ang sintomas niya ng COVID-19 kaya isinugod na siya sa hospital, medyo hindi na makahinga at hinihingal na nang sobra.

Hindi nila akalaing bababa ang immune system nito at muntik nang mauwi sa pneumonia, kaya alalang-alala ang pamilya. Mabuti naman at bumuti na nang konti ang lagay niya pagdating sa hospital at naagapan naman.

Sa trabaho kasi nila Bong at Mayor Lani Mercado na halos buong araw ay may mga taong kausap at halos walang pahinga, imposible talagang maiwasan mo ang COVID-19 kahit ano pang pag-iwas ang gawin mo.

Mabuti na nga lang at hindi nagkahawaan ang mga tao sa loob ng bahay nila dahil nga sa rami ng flow ng tao.

Mas maingat pa ngayon ang lahat lalo pa nga at marami sa mga tao at staff nila ang medyo positive na kaya ingat na ingat.

Pagaling ka, Sen. Bong Revilla, marami pa rin ang nagdarasal sa health mo.

Stay strong.

COVID, ayaw tumigil sa pananakot

Siguro talagang great equa-lizer ang coronavirus. Mahirap o mayaman ay tinatamaan nito.

Lahat affected, lahat din na-feel ang presence niya sa buong mundo at walang nakaligtas. Kahit ang mga nasa mataas na posisyon, nagkakasakit din.

At talagang hindi mo aakalain na tatagal ng ganito katagal, kalahating taon na pero hayan at wala pa ring lunas.

Lalabas ka ng bahay na natatakot na baka mahawa ka, hindi ka man lalabas pero puwede ka pa ring matamaan dahil merong ibang lumalabas ng bahay n’yo.

Scary talaga, wala kang katahimikan. Hindi mo na alam ang gagawin. Itatanong mo kung kelan ba ito mahihinto, kelan mawawala ang takot at kelan pa babalik sa normal.

Naku, prayers talaga ang puwede na lang ilaban, wala ng iba. Hindi mo na alam kung ano na ang mangyayari.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with