Gerald, naniniwalang may positive outcome pa rin ang 2020
Gerald
Gerald, naniniwalang may positive outcome pa rin ang 2020
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2020 - 12:00am

Kung maaari lamang ay gusto na raw matapos ni Gerald Anderson ang taong ito. Maraming mga hindi magandang pangyayari ang naranasan natin ngayong 2020 kaya gusto na itong malampasan ng aktor. “’Yung lockdown ko actually nag-start no’ng 2019 eh,” bungad ni Gerald.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktor at Bea Alonzo noong nakaraang taon.

“Kung pwede lang i-cancel ang isang taon talagang itong 2020. Marami ang nangyari sa taon na ito na sobrang unexpected and sobrang nakaka-demoralize, nakakalungkot. Nilalagay tayo sa sitwasyon na napakahirap. As you know, hindi lang ang Pilipinas pero ang buong mundo. Namatay si Kobe (Bryant), sumabog ‘yung Taal (volcano), coronavirus, madami. Parang binuhos na lahat sa 2020. Nag-shutdown ang kumpanya (ABS-CBN) namin. ‘Yung livelihood namin nawala,” paglalahad ng aktor.

Kahit maraming mga hindi magandang nangyari at nananatili namang positibo ang pananaw ni Gerald sa buhay. “The only choice na meron tayo ngayon is to stay positive and napaka-cliché but may mga moments at may mga gabi na naiisip ko na, ‘Anong susunod nito? Paano tayo babangon? At kapag nakabangon na, ano na ang sitwasyon natin bilang isang bansa, isang mundo?’ ‘Pag ini­sip mo ‘yung nangyari sa Beirut, Lebanon, parang ano pang pwedeng mangyari sa 2020? You know I think we’re being tested as a human race and kung ano ‘yung mga natutunan natin itong taon na ito, being resilient and strong, kailangan natin dalhin ‘yan sa susunod na taon. Everything happens for a reason and naniniwala talaga ako that there’s always a positive outcome sa lahat ng ‘to,” pagbabahagi niya.

Christian nag-mentor kay JC

Mamayang hapon na magaganap ang Finale Fan Conference ng Hello Stranger na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Sa halagang P99.00 ay eksklusibo nang mapapanood ng netizens ang Finale episode ng naturang BL (boys love) series ngayong araw.

Sa Miyerkules naman mapapanood nang libre ang episode 8 sa mga hindi makakapag-advance screening.

Malaki ang pasasalamat ni JC sa mga tagahangang patuloy na sumusubaybay sa Hello Stranger. Ayon sa aktor ay talagang sinuportahan siya ni Christian Bables upang magampanan nang maayos ang karakter ni Mico sa digital series. “Nag-mentor po sa akin si Kuya Christian Bables, si Barbs. Alam naman po natin na ganito ang role ko, mas sanay siya dito. ‘Yung Advise niya sa akin sa pag-acting talaga, na mahalin ko lang ‘to, ‘yung trabaho ko,” nakangiting pahayag ni JC.

Ginampanan ni Christian ang karakter ni Barbs sa pelikulang Die Beautiful noong 2016 na nagpanalo sa aktor ng maraming awards. (Reports from JCC )

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with