Aktor, may mas malalang away sa kapamilya

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, may nagpadala sa akin ng kuwento tungkol sa isang aktor at sa problema nila ng isang kapamilya.

Unfair naman sa aktor kung basta ko ilalabas ang kuwentong ‘yon na hindi ko man lang naririnig ang side niya.

Isang malapit sa aktor ang tinanong ko tungkol doon.

Ikinuwento naman ng taong ‘yon ang alam niya tungkol sa intrigang ‘yon.

Ipinarating din ng kausap ko sa aktor ang tungkol sa ipinadalang kuwento sa akin ng obviously ay kampi sa kapamilya ni aktor.

Nang magkausap uli kami ng taong malapit kay aktor, tinanong ko siya kung magsasalita ba ang aktor tungkol sa issue sa pagitan nito at ng kapamilya?

“Sa tingin ko, hindi. Alam din kasi niya ‘yung condition no’ng kapamilya niya, kaya hindi ‘yan magsasalita.

“Pero sinabi ko nga ‘yung kuwentong ipinadala sa ‘yo na ayaw mong isulat kung wala siyang side at sabihin ko raw sa ‘yo na thank you,” sabi ng kausap ko.

Ang hirap kasing pasukan ang isang away lalo na kung magkakapamilya ang may gusot dahil once na magkabati ang mga ‘yan ay baka ikaw pa ang maipit at lumabas na masama, huh!

Wish ko nga lang na sana ay matapos na ang problema ng aktor at ng kanyang kapamilya lalo na ang isang taong nag-uugnay sa kanilang dalawa ay yumao na.

Alden pinupuri sa kakaibang kabaitan

‘Katuwa lang ang mga fan ni Alden Ri­chards dahil panay ang pa-thank you nila sa akin dahil sa sinabi ko sa press launch cum online presscon ng Kapuso actor para sa Cosmo Cee vitamin C endorsement niya.

Bago kasi matapos ang nasabing online event ay sinabi ko na kapuri-puri ang ugali ni Alden na kilala ang entertainment press at hindi nakakalimot sa mga nagsu-support sa kanya at hindi nagbabago kahit sobrang big star na.

Actually, naaliw nga ako sa reaksyon ni Alden na parang hiyang-hiya sa dialogue ko, pero sa totoo lang naman ‘yon!

Si Alden, basta may makitang entertainment press (na nakilala na niya), siya talaga ‘yung unang babati!

Sabi nga sa akin ni Therese Diaz ng Eat Bulaga, maging silang staff daw ng nasabing noontime show ay bilib sa kabaitan ni Alden.

“Hindi talaga nagbabago ng ugali. Sobrang bait sa lahat,” sabi ni Therese.

Kahit nga ang Cosmo Cee owners na sina Niño Bautista at Red Gatus ay bilib din sa ugali ni Alden nang makilala nila!

Nice!

GMA maraming inaayos na bagong shows

Panay ang Zoom app meeting ngayon ng GMA 7 executives at ng Kapuso stars na kasali sa bagong shows nila.

Yes, maraming new shows na naka-line-up ang Kapuso network na inihahanda na raw ang pagsisimula ng mga taping.

Pati ‘yung Voltes V show nila, tuloy na tuloy raw at nag-physical meeting pa nga sila with proper social distancing and PPEs (personal protective equipments) sa isang open air venue to discuss ‘yung production design concerns daw ng show.

At least, may mga taping na malapit na nga talaga silang simulan bukod sa Magpakailanman at iba pa na nakapag-resume na, huh!

Ang bongga. ‘Yun na!

AKTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with