Gladys, Dimples at David, kinabiliban ng wealth coach
Kabilang sina Gladys Reyes, Dimples Romana and Kapuso actor David Licauco sa celebrities na nakapag-invest kaya naman napabilib sa kanila ang wealth coach ni Chinkee Tan.
Sa Wais sa Kwarta II (Maging matalino! Alamin ang swak na investment para sa ‘yo) ng Pilipino Star Ngayon kahapon ay inisa-isa nga ng tatlo ang mga negosyo nila at in all fairness, parang hindi nga sila dapat kabahan dahil naayos nila ang kanilang mga kinita sa showbiz.
John sinukuan na
Suko na ang mga tumutulong kay John Regala para maiayos sana ang kalagayan niya.
Ayon kay tita Aster Amoyo, na isa sa mga nangunguna para makabangon sana sa kanyang condition ang actor ay hindi na kinakaya ng iba ang ugali ng dating kontrabida actor.
Si Nadia Montenegro, kahapon ay totally sumuko na. Sa post niya ay ayaw na niya. “I did my best! We all did! But as of this minute i am turning over everything and anything regarding my Brother John Regala to Nanay Aster A. Amoyo.
Thank you to everyone who helped, donated and sent their love to John.
I ask that you all please continue to pray for him. He needs that more than anything. I will always be here to help. But i can only do so much.
My purpose in life is to give hope, give love and share my blessings. Sometimes i do too much but that falls on me. Never regretted a moment. Why??? Because helping others brings me so much “joy” but for some reason...this brought me so much sadness. My heart is into many pieces.
To my brother John, mahal kita alam mo yun. I will do what is best for you... i will pray.”
Useless naman daw kasi dahil nga ayaw nitong tulungan ang sarili na pati pala ‘yung caregiver na nakuha nila for him na mabait, matiyaga, pasensyoso, reliable ay umayaw na.
May edad na si John at siguro naman alam na niya ang epekto in case na mag-give up na lahat ng nagmamalasakit sa kalagayan niya.
- Latest