Sam, natulungan ni Maricel bumilib sa sarili
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2020 - 12:00am

Sa Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano. Aminado si Sam na talagang nakaramdam siya ng kaba nang malaman noon kung sino ang makakatrabaho sa bagong proyekto. “I have to admit, nakaka-pressure. Lahat sila sobrang galing. I was so nervous going into this project,” pagtatapat ni Sam.

Napahanga ang binata sa Diamond Star dahil sa pagiging magaling na aktres nito. Tinutulungan pa raw ni Maricel si Sam sa mga eksenang kanilang ginagawa. “Kaka-celebrate pa lang ng 49th year niya sa business. I’m very happy for her anniversary and all the awards she has, I was very nervous. Sa first few tapings namin sobrang supportive siya. Sobrang bait niya sa akin. I love Ms. Maricel Soriano. She’s been so kind to me and so helpful and supportive. May mga time kasi na may duda ako sa sarili ko. I feel unworthy in a way and just the support that she’s given me, the advice that she’s given me, nakakadagdag sa bilib sa sarili ko. So I just super appreciate it,” kwento ng aktor.

Para kay Sam ay maituturing niya talagang isang ina si Maricel pagdating sa trabaho. “She’s like the nanay on set. So kind, supportive and so helpful and ‘yung pagtuturo niya sa akin sa mga eksena din. She helps me out so much. I just really appreciate my co-actors for all the help that they gave me and ‘yung mga teachings ni Ms. Maricel sa akin. I’ve learned so much from her,” pagtatapos niya.

Diego, gustong makatambal si Marco sa boys’ love

Magbabalik na sa trabaho na bilang isang aktor si Diego Loyzaga. Matatandaang pansamantalang iniwan ng binata ang pag-arte noong 2018 dahil sa ilang personal na bagay. Hindi na umano maghihintay si Diego na tapusin ang pagpapatupad ng community quarantine bago siya magbalik sa trabaho. “I wanted to come back earlier. Given all the circumstances that 2020 has brought us, if I will wait for the pandemic to end, baka puti na ang buhok ko or wala na akong buhok. Things out there are not getting better. If there’s a way to work and be productive, that’s the main goal of every person. I realized I still want to be an actor. That’s my passion, that’s what I want to do. This time around, I really want to focus on the craft, my acting. I want to have a lot of movies under my belt. This time around, I want the public to watch me in a lot of movies,” paliwanag ni Diego.

Nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency ngayon ang aktor. Bukas din ang binata sa paggawa ng isang BL (Boys’ Love) series na usung-uso ngayon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay si Marco Gumabao umano na isa ring Viva artist ang gustong makatambal ni Diego. Huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Los Bastardos ng ABS-CBN. “I’m ready to accept sexy or mature roles. Whatever the script calls for, I’m ready to do it and I’m excited. I’m game, I will be comfortable as long as it’s not that vulgar. Marco is pro-love, hindi ako maiilang. He’s a friend, not a rival. I will not say I’m excited to do a boys’ love project with Marco, but why not? It’s just a role,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with