Bagong manager nina Angel at Neil, super bongga!
Ahh presidential appointee pala ang bagong manager ni Angel Locsin na si Ms. Patricia C. Keng. Appointed member siya ng Philippine Commission on Women ni President Rodrigo Duterte last year, ayon sa mga report.
Si Ms. Keng ay anak din ng businessman na si Wilfredo Keng na nagdemanda ng libel kay Maria Ressa ng Rappler.
Ayon pa sa online reports, first nominee rin si Ms. Keng sa Wow Pilipinas party list.
Executive Vice President din siya sa Century Peak Corporation ng kanyang father ayon sa isang article ng Star noong 2019.
Just wow. Super bongga pala ang bagong management group ni Angel at ng fiancé niyang si Neil Arce. “Thrilled to have @therealangellocsin and @neil_arce join our family at @costartalents.ph! Thank you for the trust, Gel and Neil. So excited for what’s to come!,” welcome post ni Ms. Keng sa magkarelasyon.
Si Ms. Malou Santos ang dating manager ni Angel.
Wala pang official statement si Angel na matagal nang walang network contract sa ABS-CBN bago pa man nagkaroon ng pandemic at closure ang Kapamilya network.
Lately ay critical ang mga comment sa national issues na Angel particular na sa closure ng ABS-CBN.
Maraming hina-handle na social media influencer ang bagong talent manager team ni Ms. Keng.
Ang dami kasing nagtatanong kung sinong ang bagong manager ni Angel. Definitely, nasa bonggang mga kamay ang actress at karelasyon niyang si Neil.
Anyway, nauna nang nabanggit ng isang source na sa December sana ang kasal nina Angel and Neil at nakapili na diumano ng wedding gown ang actress. Pero wala pa silang official statement tungkol dito.
- Latest