^

PSN Showbiz

Gerald hindi masisi sa pag-ayaw sa 2020

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald hindi masisi sa pag-ayaw sa 2020
Gerald
STAR/ File

Parang gusto raw burahin ni Gerald Anderson ang 2020.

Dahil nga siguro sa mga nangyari ngayong taon, para kay Gerald ay mas mabuti pang burado na lang at wala nang 2020, hah hah.

Mukha namang hindi lang si Gerald at marami pa ang talagang sobrang disappointed din sa mga naganap sa kanila na ewan ko ba kung bakit sa taong ito sumiksik nang mabuti.

Hindi naman siguro nagkataon lang, kundi talagang pati ang pandemic ay dito pumasok. Grabe talaga.

Hindi ko masisisi si Gerald kung wish niya talaga hindi nag-e-exist ang year 2020 sa calendar. Bad year talaga.

Disinfectants perfect na pang-Christmas

Siguro ang alcohol ang magiging pinaka-practical na regalo ngayong Pasko at ‘yung hand sanitizers, mga disinfectant in all shapes and sizes dahil
nga pati ang mga bata ngayon ay alam na dapat laging malinis ang kamay.

Ang gaganda rin ngayon ng mga lalagyan ng alcohol kaya ang gandang tingnan, gaya ang binigay ng Villar Group na tatlong malalaking bote galing sa Market Place.

Puwede talagang i-display sa bahay at office kaya magandang iregalo at very practical.

Naku, kunin n’yo na ang idea dahil sure ako matutuwa ang bibigyan n’yo.

Happy Christmas.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with