^

PSN Showbiz

Career ni Nadine napag-iwanan na ni Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Career ni Nadine napag-iwanan na ni Kathryn!

Tuluyan nang nabasura ang serye na gagawin sana ni Nadine Lustre sa ABS-CBN dahil marami raw iyong action scenes na mahirap namang gawin lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Isa pa, siguro natatakot din silang hindi rin mapansin iyon kung ilalabas lamang nila sa cable at internet.

Hindi naman maikakaila na mababa ang advertising rate sa cable at internet lang, baka ang kitain ay hindi pa sapat para sa kanilang cost of production.

Mukhang lalo na ngang lumalabo ang career ni Nadine.

Isipin ninyo, may panahong lumalaban siya bilang pinakasikat na leading lady. Naunahan pa siya ni Maine Mendoza sa popularidad. Tapos nalampaso siya nang kumita nang halos isang bilyon ang mga pelikula ni Kathryn Bernardo at nag-flop naman ang dalawang pelikula niya. Ngayon cancelled naman ang serye niya.

Gabby, tahimik sa pagpanaw ng nanay

Masasabi nga sigurong lumaki si KC Concepcion sa kanyang lola, pero hindi ang lola sa tatay niya kundi sa lola sa nanay niya, kay Mommy Elaine.

Pero ganoon pa man, makikita mo sa kanya ang pagpapahalaga sa kanyang mga lola.

Isa si KC sa kauna-unahang nagpahayag ng kalungkutan matapos na mabalitaang yumao ang kanyang lola, si Maria Lourdes Concepcion dahil sa COVID-19.

Nauna riyan, nabalita ngang lumala ang kalagayan ng nanay ni Gabby Concepcion bago sumakabilang buhay na noon ay nasa ospital na dahil sa diabetes niya. Nagkaroon siya ng pneumonia, na ang dahilan pala talaga ay COVID-19 infection na. Ang social media post ni KC ang kumumpirma sa balita.

Nagpasalamat si KC sa kanyang lola at sinabi niyang malaki ang nagawa nito para magkalapit-lapit ang kanilang pamilya.

Wala namang reaksiyon ang iba pang mga anak ni Gabby. May anak si Gabby kay Grace Ibuna, si Garie.

May anak din siya kay Jenny Syquia, si Chloe na nasa abroad naman.

Tapos may dalawang anak siya sa kanyang asawa ngayong si Genevieve na sina Samantha at Savannah.

Maging si Gabby ay wala pang inilalabas na public statement sa kamatayan ng kanyang ina.

Pero kagaya nga ng normal na nangyayari, ang sino mang mamatay sa COVID-19 ay kailangang mai-cremate sa loob ng 24 oras.

Hindi nakapag-usap sina Gabby at ang mother niya simula nang bumalik iyon galing sa abroad, kasama ang kanyang kapatid na si Mike.

Nagkaroon din sila ng problema sa properties ng kanyang ina na sinasabing nailipat ni Gabby sa pangalan niya nang walang pahintulot ang kanyang ina, na dahilan para makarating iyon hanggang sa korte.

Hindi pa rin naresolba ang problema hanggang sa mamatay nga ang kanyang ina.

Antonio Banderas kasama sa mga nagka-COVID-19

Marami nang mga artista ang nadapuan at nakabawi mula sa COVID-19.

Kabilang na riyan sina Boyet de Leon, si Michael V. at iba pa. Noong isang araw lang, inamin ni Bong Revilla na siya man ay tinamaan na rin ng COVID-19.

Sa abroad, nag-announce din ang actor na si Antonio Banderas na siya ay may COVID-19 na rin, kasabay pa ang pagdiriwang ng kanyang ika-60th birthday noong isang araw.

Dito sa atin, kahit na tumataas pa ang bilang ng may COVID-19, hindi na makapagdeklara pa ng mas mahigpit na quarantine measures, dahil sinasabi nga ni Presidente Digong, hindi na kakayanin ng gobyerno dahil wala na ring pera ang gobyerno. Kaya nga kailangan ingat na lang, parang labang free for all na lang ang sitwasyon natin.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with