^

PSN Showbiz

Pahuhupain lang ang pandemic pelikula ng LizQuen, handa na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pahuhupain lang ang pandemic pelikula ng LizQuen, handa na
Liza Soberano at Enrique Gil

Muling magtatambal sa isang pelikula sina Liza Soberano at Enrique Gil. Kinumpirma ito ng talent manager ng magkasintahan na si Ogie Diaz. “’Pag bumaba lang ‘yung bilang everyday ng COVID cases, pwede na sila magtra­baho. ‘Yon lang naman, nakakatakot ngayon magtrabaho kahit naka-lock in ka. Siyempre hindi naman tayo mukhang pera. Long term tayo eh, mas concerned ako sa health ng mga bata,” pagtatapat ni Ogie.

Ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang gagawa ng bagong proyekto ng Liz-Quen. Ayon kay Ogie ay alam na niya ang kwento ng bagong pelikula at nakatitiyak siyang ikatutuwa ito ng mga tagahanga nina Liza at Enrique. “’Yung pelikula na ‘yon, maganda ang kwento. Kaya lang nga, hihintayin pa rin natin mag-subside itong bilang (ng COVID-19 cases). Sila ay ila-lock in,” paglalahad ni Ogie.

Matatandaang huling napanood ang tambalan ng LizQuen sa teleseryeng Make It With You noong Marso. Napatigil ang istorya nito nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic at hindi na nagbalik sa ere ang naturang serye.

Mega, namigay ng furnitures sa Beks Battalion

Noong August 4 ay nakalipat na sa isang subdivision sa Quezon City ang ‘Beks Battalion’ na kinabibilangan nina Chad Kinis, MC at Lassy.

Masayang-masaya ang magkakaibigang standup comedians dahil binigyan sila ng mga kagamitan para sa bahay na nilipatan ni Sharon Cuneta. “Nais naming pasalamatan of course dahil pinadalhan kami ng living room set, dining set at tatlong pullout beds ng the one and only Megastar Ms. Sharon Cuneta. Actually, nag-PM (private message) siya sa Instagram, sabi niya, ‘Mga anak, ibibigay ko sa inyo ito. Kasi ito mga nasa stock room ko lang.’ Nakakakilig kasi sabi niya, ‘Mga anak maraming salamat sa good vibes na ibinibigay n’yo, talagang natutuwa ako.’ Kaya Inay Sharon, nag-iisa ka, mahal na mahal ka namin, ang nag-iisang Megastar. Thank you very much for sharing your blessing,” pagbabahagi ni Chad.

Kamakailan ay tuluyan nang nagsara ang mga comedy bars na pinagtatanghalan ng magkakaibigan dahil sa krisis na dulot ng covid-19 pandemic.

Abala ngayon sina Chad, MC at Lassy sa sariling YouTube channel na ‘Beks Battalion.’ Sa naturang channel daw nalaman ng Megastar na nangangailangan sila ng mga kagamitan upang makalipat sa bagong nirerentahang bahay. “Ang masaya doon, alam mong nanonood as subscriber si Ms. Sharon Cuneta. Maraming, maraming salamat po. Aalagaan po namin ito and iti-treat po namin itong very precious dahil bigay n’yo po sa amin ito,” pahayag ni MC.

“Maraming salamat Inay, aalagaan po namin ito Inay at aalagaan n’yo rin po kami. Inay Sharon, tandaan n’yo po we love you so much. Beks Battalion loves you,” pagtatapos  naman ni Lassy. Reports from JCC

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with