^

PSN Showbiz

Malayang pumili ng daang tatahakin…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakita mo ba, Salve, ang photo ng dalawa kong anak na sina Sneezy at Sloopy? Hindi ba pag nanay ka, ang gandang tingnan ng photos ng mga anak mo noong bata pa sila. ‘Yung hindi mo pa alam how they will grow up, ‘yung hindi mo pa alam what path they will take. Along the way they grow up and outgrow you. Along the way, puwedeng may nagkamali sa way ng pagpapalaki mo, or puwedeng hindi nila nagustuhan ang mothe­ring mo.

No matter the outcome, kung sino ang may mali, kung sino ang hindi tama, in the end, pareho pa rin kayo ng dugo at sa loob pa rin ng matris mo sila lumabas.

Puwede na ikaw ang nagkulang, puwedeng sila, pero hindi na importante iyon, kung ano man ang kinalabasan nila ngayon, iyon pa rin siguro ang nakatakda.

Basta kahit siguro sa second life ko bilang isang Korean princess at anak ko sila kay Jo In-Sung, sila pa rin ang gugustuhin kong maging mga anak.

Iyon naman path na tinahak nila ay choice nila, kaya dapat kong igalang. Kaya lang siguro ang cute ng name nila, Jo Sneezy at Jo Sloopy, bongga. 

Feeling sick…

Four days na akong feeling sick ha. Mula pa noong Thursday ay ang sama na ng pakiramdam ko at meron na naman akong potassium deficiency. At ako ang sobrang arte pag feeling may sakit, may mga ilusyon ako na binubuo sa utak ko, like kung ano ang gagawin sa body ko, sa wake, at mga bilin-bilin na gusto kong sabihin kay Gorgy Rula. Basta may sakit ako nauuna ‘yong drama sa akin kaya siguro naiinis si Kamatayan at inuunahan ko siya sa preparation kaya hindi natutuloy ang pagkuha sa akin, hah hah hah.

Talagang feeling ko dying ako pag may masakit sa katawan ko, kaya talagang nakababad ako sa kama at hindi tumatayo. Tuluy-tuloy ang tulog ko at cherished ang sakit ng ulo at katawan ko. Ayaw ko pa makipag-usap sa phone kaya naloka ako sa tuloy-tuloy na tawag ni Mark Anthony Fernandez.

Talagang naka-set na ang lahat ng plano at itatawag ko na lang kay Gorgy para alam niya ang gagawin. Hay naku praning-praning ako talaga. Hahaha.

Sen. Bong, ‘di pinalampas kahit naging maingat

Dahil sa rami ng mga pumupuntang tao na kailangan nilang asikasuhin kaya tuloy hayun, tinamaan na rin ng COVID-19 si Sen. Bong Revilla.

Talagang sobrang scary na ang sakit na ito, basta tumatama na lang kahit anong ­ingat mo at totoo nga na ang pinaka-efficient ways para maiwasan ay social distancing at face mask na ngayon ay kailangan na ring salihan ng face shield.

Talagang ang physical contact ang dapat iwasan na hindi naman puwedeng mangyari kung isa kang public official, lalo na ngayong pandemic na ang daming humihingi ng tulong.

Sana naman tulad ng mga dumapo kina Sen. Sonny Angara, Migz Zubiri at Koko Pimentel na mild cases ng COVID-19 ay ganoon din ang dumapo kay Bong, fit naman at healthy si Senator Bong kaya tiyak kaya niya ang kaso ng COVID-19.

Kaya mahirap din ang kaso ng mga pulitiko, talagang nasa gitna sila ng sakit at hindi maiiwasan na talagang dapuan sila.

Pagaling ka Bong, kailangan ka ngayon diyan sa Cavite, kung saan tumataas din ang kaso na tinatamaan ng virus.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with