^

PSN Showbiz

Sen. Bong kakaiba ang naramdamang mga sintomas ng COVID

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong kakaiba ang naramdamang mga sintomas ng COVID
Sen. Bong Revilla

Pagkatapos kumpirmahin ni Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook account na positibo siya sa COVID-19, dumagsa ang mga mensaheng ipinadala sa kanya ng mga kaibigan at suppor­ters na patuloy ang kanilang pagdarasal para sa kanyang paggaling.

Nakausap ko siya nung Linggo ng gabi at in-assure naman niyang okay na okay siya.

May ilang symptoms daw siyang naramdaman, dahil may kasambahay silang nag-positive at isa niyang staff.

May feeling daw siyang parang tatrangkasuhin, at makati raw ang mata na parang may sore eyes, at masakit din daw ang balat niya.

Hindi naman daw nawala ang sense of taste at smell niya, na hindi mo raw talaga alam kung ano ‘yung symptoms na nararamdaman. Kaya dapat talaga pakiramdaman mo ‘yung sarili mo dahil hindi mo raw talaga natitiyak kung anu-anong manifestations na lumalabas kapag may COVID ka.

Sa ngayon ay naka-quarantine na raw siya na malayo kina Mayor Lani Mercado at mga anak nila.

Mabuti at negative naman daw si Mayor Lani pati mga anak nila sa swab test.

Pati ang ilang kapatid ni Sen. Bong ay nagpa-qua­rantine na rin dahil nagkasama sila sa pamisa nu’ng nag-40 days ang kanilang Daddy.

Ipinost nga ni Cong. Strike Revilla sa kanyang Facebook account na nagsimula na rin siyang mag-self quarantine. Wala naman daw siyang naramdaman. Pero mabuti na rin daw para matiyak lang na safe ang lahat.

Mabigat ang pakiramdam ni Mayor Lani dahil hindi man lang daw niya maalagaan ang asawa. Dagdag pa rito ang kanyang responsibilidad bilang alkalde ng Bacoor at ina ng kanilang mga anak.

Kaya humihingi na lang si Mayor Lani ng dagdag pang panalangin para sa agarang pagaling ni Sen. Bong. “Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at  bayan. Papa, palakas ka…” bahagi ng post niya sa kanyang Facebook account.

Nanay ni Gabby namatay sa COVID complications?!

Si KC Concepcion ang nag-break ng balitang pumanaw na pala ang ina ni Gabby Concepcion.

Nagbigay pugay si KC sa kanyang lola sa ipinost niya sa kanyang  Instagram account kahapon ng madaling araw; “My last living biological grandparent passed this morning.  Thank you for always reminding us of our family tree and for always keeping me close to the family, mommyla. Love you and will remember you and daddylo always.”

Wala pang pahayag si Gabby sa kanyang social media account kaugnay dito.

Pero isang vlogger ang naglabas sa kanyang YouTube channel na nagbalita tungkol sa Mommy ni Gabby.

“Last week po, nabalita ko sa inyo na nasa hospital ho si ... ‘yung mommy ho ni Gabby Concepcion saka ni Mike Concepcion.

“And ano ho, nagkaroon ho siya ng diabetic ketoacidosis and pneumonia. And recently, just this morning, nalaman ko ho na may COVID pala siya...”

Binanggit pa niya sa nakaraan niyang vlog na malubha na nga raw ang ina ng aktor.

Nitong Agosto 9, Linggo ng 9:46 p.m, nag-tweet ang vlogger na ang pangalan ay Paul at sinabing “Yari... may dramahang matindi sa panig ni Gabby Concepcion kanina... may 15 armed guards pang nalalaman.” 

Noong nakaraang taon lang ay napabalita ang isyu kina Gabby at ng kanyang ina at kapatid na si Miguel na umabot na sa demandahan.

Tahimik lang si Gabby tungkol dito at iniiwasan niyang pag-usapan ito sa mga nakaraan niyang interviews.

Nakikiramay po kami, at sana huwag nang lumaki ang isyu nilang magkakapatid alang-alang sa namayapa nilang magulang.

Zia umeksena sa show ni Dingdong

Ang laki nang itinaas ng rating ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes noong nakaraang Linggo.

 Ang duda ng karamihan, ito ay dahil sa isang portion na kung saan ini-interview ni Dingdong via Zoom ang isang nurse sa New York City, USA ay biglang pumasok si Zia. Kumandong ito sa kanyang daddy at sumali sa interview sa frontliner.

Ang cute tingnan ng mag-ama na kinagiliwan ng televiewers.  

Nakakaaliw naman talagang panoorin si Zia, lalo na pag kumpleto silang pamilya na kung saan nadagdagan pa ng pagka-super cute din ni Ziggy.

Samantala, consistent pa ring top online news source ang GMA 7.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with