Robin binalikan ang franchise issue ng ABS-CBN
Robin
STAR/ File
Robin binalikan ang franchise issue ng ABS-CBN
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Ang ganda ng homily ni Fr. Jerry Orbos na napanood namin sa Facebook live kahapon tungkol sa pahirap na pahirap na pinagdadaanan natin ngayon.

Ang gusto niyang iparating ay huwag tayong mag-panic, huwag magpaka-stress sa sobrang takot sa COVID-19.

Umabot na nga raw ng 127 thousand ang naapektuhan ng nakakamamatay na virus na ito, at ang natira raw ay apektado na ng virus of fear.

“Don’t rock the boat,” sabi niya. “Be still. Hayaan nating ang Panginoon ang kumilos nito lahat. Harapin natin ang takot. Face the light. Dahil kapag kaharap natin ang liwanag, nasa likod lang natin ang anino,” dagdag niyang pahayag.

Kaya sa panahon ngayon sabi niya, dapat na tumahimik na lang tayo. Bahala na si Lord sa lahat, dahil tatapusin niya ito in His perfect time.

Huwag na raw tayong manisi, huwag nang magturo, at huwag nang umangal pa.

Sa totoo lang, iyon ang karamihang nababasa natin sa social media. Ang daming magagaling, at ang daming magaling magturo kung sino ang dapat sisihin at hindi matigil-tigil ang  bangayan ng magkakaibang kampo.

Isa nga sa pinagpiyestahan ngayon ay ang matinding patutsadahan nina Robin Padilla at ni  dating Sen. Antonio Trillanes.

Mahaba ang hanash nila sa isa’t isa, pero ang latest naman ngayon na hanash ni Robin na nabasa namin sa kanyang Facebook account ay ang isyu pa rin ng franchise ng ABS-CBN 2.

Mag-move on na raw sabi niya at dapat daw ay tutukan na nito ang pangako ng Kapamilya network na gamitin ang frequency nila sa edukasyon ng mga kabataan na walang sapat na gamit para sa online education.

Bahagi ng mahaba niyang FB post; “Move on na po kayo sa ibang suliranin katulad ng pag-aaral ng mga batang Pilipino.”

Kakulangan sa gadgets na maaring gamitin ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Kaya sana huwag na raw balikan ang isyu ng franchise dahil napagdesisyunan na nga ito, at tapos na isyung iyon.

Dagdag ng action star; “Magbigay kayo ng solusyon sa amin hindi ‘yun babalikan n’yo pa yun isyu nong nakalipas na buwan.

“Nag-alok ang ABS-CBN sa gobyerno na sila’y tutulong sa DepEd at hindi lamang ABS-CBN kundi sa lahat na ng may channel na tumatakbo ngayon sa telebisyon.

“Kailangan natin  ng tamang medium sa pagitan ng mga tao at DepEd, yun sanay na ang lahat ng mga Pilipino sa lahat ng sulok sa Pilipinas para matustusan natin ang edukasyon ng mga bata na naaayon sa new normal.”

Matagal pa raw ang eleksyon, para haluan ng pulitika ang pakikipagbalitaktakan. “Ayaw ko naman isipin na nag-iimbita kayo ng panibagong kudeta o rebelyon para pabagsakin ang gobyerno sa gitna ng COVID-19,” sabi pa niya.

Dapat isipin ni Robin na hindi nila gagawin iyun dahil sa takot nila sa bagong pasang Anti-Terror bill. Kaya nag-iingat din naman sila siguro.

Iyon na lang daw sana ang hiling ng aktor na magkaisa na lang dahil ang sobrang apektado sa gulong ito ay ang mga kabataan at ang mga mahihirap na walang kalaban-laban.

Young celeb moms abala sa pagiging ‘teacher’

Nakakatuwa rin naman ang young mom celebrities dahil sa wala pa namang trabaho, mas nakatutok sila ngayon sa online schooling ng kanilang mga anak.

Si Pauleen Luna nga na napakabata pa ni Talitha, sobrang tinutukan niya ang training sa bagets para madali na itong turuan kapag nasa proper schooling na siya.

Talagang naglalaan ng oras si Pauleen para sa kanyang anak, kahit nagsimula na itong mag-taping sa bagong show niya sa TV 5 na Chika Besh! kasama sina Pokwang at Ria Atayde.

Nakatsikahan din namin sandali si Yasmien Kurdi, maaga raw talaga siyang natutulog dahil sinasabayan daw niya ng gising ang anak nila ni Rey Soldevilla para gabayan ito sa kanyang online class. “Ako nga po ang teacher ng homeschool online studies ng anak ko,” text sa akin ni Yasmien.

Hindi pa siya nakabalik sa trabaho, kaya may sapat daw siyang oras para tutukan ang kanyang anak.

Isa pala sa natakot sa nangyaring mala­king pagsabog sa Beirut, Lebanon noong nakaraang linggo ay si Yasmien dahil may mga kakilala rin siya roon bilang isa nga siyang half-Lebanese.

Mabuti at nasa Kuwait na raw ang Daddy niyang Lebanese kasama ang ibang kamag-anak at close friends kaya sure naman siyang hindi sila naapektuhan.

Pero may close friends daw siyang nandun sa Beirut, kaya kaagad daw niyang tsinek kung okay sila. “Thank God, okay naman sila,” text pa sa akin ng Kapuso actress.

Sa Lebanon ipinanganak si Yasmien at mga edad two years old daw siya nang dinala siya sa PIlipinas ng kanyang Mommy.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with