^

PSN Showbiz

Starla at Probinsyano, puwede nang laruin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Starla at Probinsyano, puwede nang laruin
Starla
STAR/ File

Mararanasan na ng fans ang mundo ng mga paborito nilang palabas gamit ang web-based games at mobile apps kasabay ng pagpapalakas ng ABS-CBN ng presensya nito online sa paglu­lunsad nito ng Kapamilya Online Live.

Pwedeng pasukin ng mga magulang at anak nila ang mundo ni Cardo habang naglalaro ng online game na FPJ’s Ang Probinsyano Hideout, kung saan magpa-patrolya sila ng mga kalsada ng Metro Manila at lalabanan ang mga kaaway gamit ang mga sandata at power-ups sa fpjapgame.com/hideout, matapos manood ng episode ng FPJ’s Ang Probinsyano sa YouTube o Facebook.

Pwede ring mag-bonding kasama ang pamilya sa paglalaro ng mobile apps na FPJ’s Ang Probinsyano  FJP’s Ang Probinsyano: Rescue Mission, na mada-download mula sa Google Play Store.

Para sa mga batang mahihilig sa collectibles, pwedeng bumili ng FPJ’s Ang Probinsyano para gisingin ang kanilang katapangan at kagitingan.

Siguradong mae-enjoy ng mga batang idol si Kuya Cardo ang mga tau-tauhan at sasakyang pang-militar na pwede nilang laruin sa bahay.

Sa mga naghahanap naman ng mahigpit na yakap Kapamilya, pwedeng ipanregalo sa sarili o sa minamahal ang unan ng Starla. Pwede ring ibigay sa mga bata ang mga Starla night light at light stick at siguradong matutuwa ang pamilya na laruin ang web-based game sa starlagames.com.

Mabibili ang items sa ABS-CBN Store sa Shopee Mall at sa mga nangungunang toy stores sa bansa.

vuukle comment

STARLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with