^

PSN Showbiz

Carla natanggal na ang naipong 26 lbs.

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Carla natanggal na ang naipong 26 lbs.
Carla

Sa ‘Just In’ episode kung saan guest ang Kapuso actress na si Carla Abellana, ibinahagi niya ang mga pinagdaanang hirap dahil sa kanyang health condition.

Maalalang habang nagte-taping para sa Love of my Life, napapansin daw niya na bumibigat ang kanyang timbang, “July nag-start ng Love of My Life, August, September nag-gain ako ng 26 pounds in total sa loob ng four months na ikinataka ko. Kasi naka-diet food ako, nagwo-work out ako three times a week. Bakit nadadagdagan nang nadadagdagan ‘yung timbang ko kesa mabawasan or ma-maintain?”

Kaya naman agad na nagpatingin sa doktor si Carla, “May problem pala ako sa liver, may asthma daw pala ako, so kumbaga the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. Ang hirap kasi nagsabay-sabay… Pinaka-frustration ko ‘yung weight gain talaga kasi kahit anong efforts naggi-gain nang naggi-gain imbes na mag-stop siya.”

‘Yun pala na-misdiagnosed siya.

Pero ngayon ay kapansin-pansin na ang pagbawas ng timbang ni Carla. “Goal ko is hindi pumayat kung hindi bumalik doon man lang sa normal ko na appearance and weight. Masaya na ako kahit mag-lose ako ng one pound,” say ng aktres.

Sumunod din siya sa payo ng kanyang mga doktor, “Nag-take ako ng mga medication, may mga nagbago sa diet, nag-increase ng workout, lahat! Nag-fasting ako, nag-elimination diet. Thankfully gumana naman ‘yung mga gamot parang in a way maintenance na medicine... Na-lose ko rin naman thank goodness ‘yung 26 pounds.”

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with