^

PSN Showbiz

Sunshine, tinitipid muna ang mga anak

ISYU AT BANAT! - Ed De Delon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, tinitipid muna ang mga anak

Napapangiti na lang si Sunshine Cruz basta natatanong siya kung ano ang masasabi niya sa naging problema ng “ibang naging single parent.” Ang sinasabi na nga lang ng aktres, “ako rin naman eh, nabuhay ko ang mga anak ko, at tatlo pa iyan, nang mag-isa. Noon ko na-realize na kaya ko pala. Noong una takot din ako kung papaano ko gagawin pero kaya ko pala,” sabi niya.

Natanong siya nang ganoon dahil may lumalabas lately na ang ibang mga “single parent” ay nagrereklamo na hirap na rin.

“Pakiramdaman mo rin naman, sa palagay mo ba tutulungan ka pa ng naging partner mo o hindi na? Kung sa tingin mo hindi ka na talaga tutulungan, o kaya tutulungan ka man may iba namang intensiyon, aba nasa iyo na iyan, pero sa akin dapat wala na.

“Noon, inaamin ko na pinanghihinaan din ako ng loob. Dahil papaano ko nga ba maibibigay sa mga anak ko ang lahat ng mga kailangan nila? Papaano naman iyong kahit na kaunting luxury na sa palagay ko deserve naman nila? Pero dahil sa pagsisikap ko, hindi naman ako nawalan ng trabaho, awa ng Diyos. Kahit na ngayong may lockdown, may nagagawa pa rin naman ako. May mga product endorsement pa naman. May trabaho pa rin.

“Siguro hindi nga kagaya nang dati ang kinikita dahil noon nakakapag-shooting ako ng pelikula, may taping ako nang ilang araw sa isang linggo, pero may pandemic nga eh, kaya ano ba ang magagawa natin. Ang ikinakatuwa naman ngayon ng mga anak ko, kailangan nga naming magtipid nang kaunti dahil walang hanapbuhay masyado, pero mas nagkaroon naman kami ng time sa bawat isa.”

Wala akong ginagawa, ganoon din naman sila dahil delayed din ang bukas ng school, kaya mas ok sa amin ang buhay ngayon,” pagkukuwento pa ni Sunshine.

Robin at Trillanes, matindi ang balitaktakan

Ang nagtatalo naman ngayon sa social media ay sina Robin Padilla at dating Senador Antonio Trillanes. Nagsimula lang naman iyan sa panawagan ni Robin na dapat magkaisa na ang lahat at tulungan din naman ang ating gobyerno para makabawi ang ating bansa sa pagkakalugmok nito ngayon dahil sa umiiral na pandemya, na siyang dahilan din ng bagsak na ekonomiya. Sinasabing ito ang panahon na pinaka-bagsak ang ekonomiya ng bansa sa kasaysayan.

Siyempre, sinagot naman iyon ni dating Senador Trillanes, at may parinig pang kasama sa may kasalanan si Robin dahil sa mga sinusuportahan niya sa pulitika.

Sinagot naman iyon ni Robin na mas pahamak si Trillanes dahil sa mga ginawa noong kaguluhan, na lahat naman nauwi sa wala. Aywan kung kailan matitigil ang sagutan nilang dalawa.

Dating aktor, humahada pa rin kahit may asawa na

Lalo yatang dumami ang mga nagvo-volunteer pa ng information tungkol sa poging married male star na may mahiwagang nakaraan. May nagsasabi pa ngayon na in the past, may isang gay na pasikretong nakunan ng video ang lahat ng nangyari sa kanilang date ng male star noon. Namatay na raw ang baklang  iyon dahil may edad na rin naman, pero hinahanap daw nila sa mga nagawa nitong video noong araw ng kasal na aktor-aktoran na nagsa-sideline pa rin hanggang ngayon.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with