^

PSN Showbiz

Matt Evans laya na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Matt Evans laya na!
Matt
STAR/ File

Biglang naisip ang ex...

Nakalaya na pagkatapos magpiyansa si Matt Evans. Matatandaang dinakip ng mga pulis ang aktor kamakailan dahil sa umano’y paglabag nito sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act. May kaugnayan ito sa dating nakarelasyon noon ni Matt na si Johnelline Hickins. “Nanggaling na kami sa pag-uusap eh pero bakit kailangan pang humantong sa ganito. Pwede naman pag-usapan lagi. Nananahimik na ako. May asawa na ako, seven years na akong happily married with three kids. Isang tao lang ang naisip kong pwedeng gumawa sa akin nito, ‘yung ex-girlfriend ko,” pahayag ni Matt.

Suporta para sa kanilang babaeng anak ang hinihingi umano ng dating kasintahan ng aktor. Ayon naman kay Matt ay tinutustusan niya kahit paano ang bata. “Nagsusuporta ako pero dahil nga sa nangyaring pandemyang ito, may lapses ako ng suporta. May mga lapses tayo dati kasi nga hindi naman tuluy-tuloy trabaho natin. Tapos ‘yung pinagkakakitaan ko naman outside showbiz hindi rin naman malaki,” paliwanag ng aktor. Nakulong din si Matt noong 2012 dahil sa kasong physical injuries na isinampa ng dating kasintahan. 2013 naman nang pakasalan ng aktor ang asawang si Katrina Fariñas.

Jericho, may payo sa mga gustong sumikat

Nagsimula si Jericho Rosales sa show business nang manalong Mr. Pogi 1996 sa Eat Bulaga. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na sa pagiging isang artista si Jericho. Naki­lala bilang isa sa mga pinakamagaling na aktor sa kanyang henerasyon. Limitado pa rin ang trabaho ngayon sa mundo ng pelikula at telebisyon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Para kay Jericho ay kailangang samantalahin ng mga baguhang artista ang panahong ito habang nasa bahay lamang halos ang lahat.

Ayon sa aktor ay mara­ming mga bagay ang pwedeng gawin sa kanya-kanyang bahay upang paghandaan ang pagbabalik sa trabaho.

“This is the best time for you guys to prepare, because when this is all over and everyone can go out, lalabas lahat ng mga talent, lalabas lahat ‘yan. And I’m saying that it is going to be crazy. It’s going to be fun and there’s gonna be pressure. There’s going to be new things coming up. Like right now, there’s so many things that’s happening. So many places where you can see artists doing different kind of things. Nothing can prepare you for tomorrow but you know somehow that you prepared yourself. Kaya mo ‘yan and it’s not going to be all about you,” makahulugang pahayag ni Jericho.

Mahalaga rin para sa aktor ang mabuting pakikitungo o pakikisama sa mga katrabaho upang magtagal sa industriya. “You better have your friends, you better have your family, you better know what it means to value these people and appreciate the people who help you. Just always know that it’s really important to equip yourself, educate yourself and know who you are,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

MATT EVANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with