Angel sinubukang i-hack
Uy may sumubok palang mag-hack ng social media accounts ni Angel Locsin.
Yup, sinabi ni Angel sa kanyang Instagram Story na ilang beses na may sumubok na mag-log in sa kanyang Twitter and Facebook accounts at maging sa kanyang email.
“Someone’s trying to repeatedly hack my Twitter, Facebook, and email,” ang sabi niya sa caption.
Makikita rin sa kanyang screenshot na temporarily locked ito dahil sa attempts ng unauthorized / unfamiliar location sa Amerika.
As of yesterday, 12.3 million ang followers ng aktres sa Twitter at 15 million sa Facebook.
Ivana at Alex tie sa 8 million followers
Wow, tie ang number of YouTube subscribers nina Ivana Alawi ang Alex Gonzaga.
Pareho silang may 8.06M subscribers as of yesterday.
Kaya naman si Ivana may pa-topless pictorial na uploaded sa kanyang Instagram page.
Kaya nga kahit walang show sina Alex and Ivana ngayon, malaki pa rin ang kita nila sa YT, at buhay na buhay ang bank accounts nila.
- Latest