_ngayon
^

Kapamilya Foundation, halos 900K ang nabigyan

(Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-ayuda ng ABS-CBN Foundation ng food packs at Ligtas bags sa labas ng Metro Manila para sa mga taong apektado ng pinaiiral na community quarantine upang masugpo ang COVID-19.

Sa pamamagitan ng Pantawid ng Pag-ibig: Isand Daan. Isang Pamilya, 1,500 pamilya na may senior citizens ang nabigyan ng food packs sa Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan. Higit sa 1,000 pamilya rin ang nahatiran ng food packs at Ligtas bags sa Batangas.

Sa patuloy na suporta ng iba’t ibang donors sa Pantawid ng Pag-ibig, naramdaman din ang pagmamahal at malasakit mula sa Kapa­milya ng 500 pamilya, kabilang na ang mga komunidad ng katutubo sa Bataan. Umabot din ang suporta sa iba’t ibang barangay sa Bicol na nabigyan ng 1,500 food packs at 3,000 ligtas bags.

Naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan na magagamit sa oras ng sakuna ang Ligtas bags, na unang ipinamahagi ng ABS-CBN sa kampan­ya nitong Tulong-Tulong sa Taal.

Nakapagtala na noong Hulyo 30 ang ABS-CBN Pantawid ng Pag-ibig ng higit sa P444 milyong donasyong salapi at produkto mula sa iba’t ibang indibidwal at organisasyon na napakinabangan ng mahigit 872,000 na pamilyang nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya, na naging ugat ng matinding kawalan ng trabaho sa bansa.

Ayon kay ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo, na siya ring direktor ng Sagip Kapamilya, nagagalak ang ABS-CBN Foundation sa patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino sa kanilang adhikain. “Karangalan natin na pagkatiwalaan tayo ng publiko whether individual or institutional donors. Ipinagkakatiwala nila sa atin itong kanilang donations kasi siguro iyong trust nila makakarating ito doon sa mga nangangailangan,” sabi niya.

Kasalukuyang hindi nakakapag-operate ang ABS-CBN Network sa kawalan ng prangkisa.

 

KAPAMILYA FOUNDATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with