^

PSN Showbiz

Cignal/TV5 tuloy ang launching

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cignal/TV5 tuloy ang launching
Mr. Robert Galang

Offer kina Vice and Coco itinanggi handang tanggapin ang lahat ng Kapamilya

Bukas na bukas ang pinto ng Cignal TV5 para sa lahat ng mga taga-ABS-CBN.

Ito ang sinabi kahapon nina Mr. Robert Galang and Mr. Perci Intalan sa isang virtual conference via Zoom with the entertainment press and bloggers.

Si Mr. Galang ang bagong president and CEO of Cignal and TV5 na kapalit ni Ms. Jane Basas na ngayon naman ay ang Chief Marketing Officer of Smart Communications.

Dekada ang experience si Mr. Galang in the broadcast media, telecommunications and consumer durables kaya inaasahang sisipa ang Cignal / TV5 sa pagiging active uli ng network.

Eh andiyan pa si Mr. Perci Intalan na isang mahusay na producer/director / writer of film and TV productions. At siya ngayon ang kasalukuyang president of the IdeaFirst Company, a creative content company ng feature films, original series and marketing projects / events.

Kaya asahang mas magiging palaban na ang TV5 at Cignal.

Samantala, sinabi rin nila Mr. Galang and Mr. Intalan na naghahanda na sila para sa programa ni Kris Aquino.

Yes, confirmed na wala nga sa kanila ang problema kundi between Kris and her producer na diumano’y irreconcilable ang naging arguments. Ayon sa isang source, hindi raw kinaya ng producer (na hindi lumulutang ang pangalan) ang mga sinasabi ni Kris kaya umayaw na diumano ito.

Pero sa part ng Cignal TV5 , hihintayin daw nilang maging ready ang programa ni Kris na Love Life with Kris. Ayon pa kay Perci, Kris Aquino is Kris Aquino at aminado naman siyang malaking bagay kung mapapanood ito sa kanila.

Iba-iba nga kasing isyu ang lumalabas ngayon sa pagka-unsyami na naman ng programa ni Kris. May chikang malabo na itong matuloy pero may nagsabi rin namang last week of September, iba na ang producer. Si former Congressman Albee Benitez na magiging blocktime producer sa Cignal TV5 pero marami pa palang kailangang ayusin between the network at sa former politician.

Tinanggi rin ng network na kinonsider nilang ipalabas ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ganundin ang tungkol kay Vice Ganda. Hindi  raw umabot sa executives ng network ang sinasabing inilapit sa kanila si Vice dahil ang alam daw talaga nila ay may sarili itong digital network.

Anyway, sinabi rin nilang last year pa sila nagpa-planong maging active at nagkataon namang wala ngayong franchise ang ABS-CBN.

Nauna nang nabanggit ni Mr. Manuel V. Pangilinan, Cignal TV and TV5 Chairman na handa silang magbigay ng trabaho sa mga naapektuhan sa pagsasara ng Kapamilya Network. “We are revving up our entertainment content creation and will need creatives, talents, directors, scriptwriters, cameramen, etc..

Anyway, tuloy ang launching ng mga bago nilang programa sa August 15.

PPE gagawin nang new outfit

Mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield aside from face mask.

PPE (Personal Protective Equipment) na kaya ang next?

Matinding pag-iingat nga ang kailangang gawin ng lahat para protektahan ang sarili at makatulong sa frontline workers na hindi na kinakaya ang pagod sa rami ng positive cases sa bansa particular na sa Metro Manila.

Sana nga ay hindi magkatotoo ang prediction na ang Philippines na ang magiging bagong epicenter ng coronavirus pandemic sa Southeast Asia.

Anyway, maganda ang mga PPE ng Kamiseta saka medyo affordable.

One thousand lang. Mabilis pang i-wash at i-dry so puwedeng everyday ‘yun ang suot mo.

Actually, maraming PPE na available sa market ngayon pero mas expensive.

Kahit mga designer PPEs na ang new collections na siyempre ay mas hamak na mas expensive.

vuukle comment

CIGNAL

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with