^

PSN Showbiz

Samahan ng aktor naglabas ng suporta sa frontliners

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Samahan ng aktor naglabas ng suporta sa frontliners
Dingdong Dantes

Touching ang ginawang video ng grupong Aktor o League of Filipino Actors na nagbibigay pugay sa ating medical frontliners.

Nanawagan ang frontliners na kung maaari ay ibalik muna tayo sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) dahil hindi na nila kayang asikasuhin ang lalong dumaraming COVID patients.

Pinagbigyan sila at nagdeklara si Pangulong Duterte na ibalik muna sa MECQ ang buong Metro Manila at ilan pang karatig-probinsya.

Sana nga maganda ang kalalabasan nito dahil ilang araw pa lang naman tayong naka-MECQ pero lalo pa ring tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa at ang NCR pa rin ang may pinakamakaling datos ng COVID cases.

Naniwala ang mga taga-Aktor na ang ginawa nilang liham ng pagpupugay sa frontliners ay kahit paano ay makakagaan sa kanilang pinagdaraanan.

Ramdam ng lahat ang matinding pagod  na nararamdaman nila, kaya sa video na iyon ng Aktor ay nagsu-sorry sila, nagpasalamat, at nangakong pahahalagahan sila, ang kanilang tinig at saloobin.

Nagsama-sama rito ang mga artista ng Kapuso at Kapamilya network na nagpahayag ng kanilang mensahe para sa  frontliners.

Ilan sa big stars na naging bahagi nito ay sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Angel Locsin, Marian Rivera, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Sunshine Dizon at marami pa.

Sabi nga nila sa ipinu-post nila sa kanilang social media account; “Para sa mahal kong health workers, ilang beses man kaming gumanap na doktor at nurse, hindi namin matutumbasan ang laki ng kontribusyon ninyo sa bayan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Kami sa Aktor ay nagpapadala ng liham pag-ibig para sa lahat ng ating health workers sa frontlines—ang aming mga bayani. Alam naming hindi sapat ang mga salita, pero ito na muna sa ngayon.

“Titindig kami para sa ‘yo. Maraming salamat sa lahat.”

Lani nakakalimutan ang problema sa K-drama

Ganundin ang saloobin ng Bacoor Mayor Lani Mercado sa lahat dahil kahit sa kanilang lugar sa Cavite ay nakikita na rin daw nilang hirap na hirap na rin ang frontliners sa kanilang mga hospital.

Ang pakiusap na lang daw niya sana ay makipag-cooperate na rin ang mga tao dahil mahirap din kung iaasa lahat sa kanilang public servants.

Kuwento sa amin ni Mayor Lani nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules; “Buhay ang nakataya sa frontliners eh.

“Minsan nakaka-disappoint pa na may nagmi-message na ‘bantayan n’yo ang barangay n’yo, maraming batang nakalabas.

“Sabi ko, may mga magulang naman sila. Nasaan ‘yung mga magulang nila? Responsibilidad na natin as parents to take care of our children. Bantayan n’yo.”

Nakakalungkot lang daw na sa halip makipagtulungan, sumusuway pa sa mga safety protocols ang iba.

“Parang nawala na talaga ang disiplina ng tao. Alam na nilang may virus, lumalabas pa. Minsan walang face mask, nakikipag-inuman pa sa kalsada, nagpapa-party.

“Tayo na mismo magkaroon ng responsibility na gampanan ‘yung tungkulin natin. Hindi lang para sa sarili natin o sa mahal natin sa buhay,” dagdag niyang pahayag.

Hindi rin siya nakaligtas sa pamumuna ng iba sa social media, at hindi na lang niya ito pinapansin. Pati nga si Sen. Bong Revilla ay hindi rin nakaligtas na minsan galing pa sa kasamahan sa movie industry.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya, pero huwag na raw sanang magdagdag pa ng kanegahan sa mga negatibong komentong ipinu-post sa social media.

“Sa mga nagkritiko…oo naman may freedom of speech. Pero sana, ano ba ang maitutulong n’yo, kasi naghihirap na ang mga tao? Lalo na ang mga frontliners.”

Kaya minsan daw para makabawas stress sa mga nangyayari, nanonood na lang daw siya ng K-drama bago matulog para kahit paano nakakalimot daw sa bigat na pinagdaanan natin ngayon.

Nagpasalamat din si Mayor Lani na kasama ang Cavite sa ibinalik sa MECQ dahil ang naturang lalawigan ang natamaan nang husto nitong nakamamatay na virus.

“Dikit-dikit kasi ang mga bahay diyan. Minsan isang bahay, buong pamilya nagkaroon na ng contamination. Iyun talaga ang tinutukan namin nang husto,” saad ng alkalde ng Bacoor.

Tinitiyak din daw nilang mapapadalhan nila ng pagkain o relief goods ang mga naka-quarantine pa ng 14 days, at malapit na rin daw nilang ilabas ang mobile swab vehicles para sila na mismo ang lalapit sa mga taong kailangang dumaan sa swab test.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with