K, nagkaroon ng direksyon ang buhay dahil sa anak
K Brosas
K, nagkaroon ng direksyon ang buhay dahil sa anak
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay ipinagdiwang ni K Brosas ang kanyang ika-dalawampung anibersaryo sa show business. Masaya ang singer-comedienne dahil kahit hindi naging madali para maabot ang kanyang pangarap lamang noon ay aktibo pa rin siya sa pagpapasaya sa mga tagahanga. “Hindi ko masabing smooth kasi wala namang gano’n. Parang kailangang may pagdaanan tayong baku-bako. May mga time na parang, ‘Hanggang dito na lang ba akey?’ Pero bibigyan ka pa din ng chance and opportunity na, ‘Ah, eto and everything!’ Kaya dire-diretso nandito pa rin ako,” makahulugang pahayag ni K.

Naging inspirasyon ng singer ang nag-iisang anak na si Crystal upang pagbutihin ang mga trabaho. Para kay K ay hindi madali ang magpalaki ng anak lalo na kung katulad niyang isang single parent. “Ang laking bagay na nagkaroon ka ng anak, nagkaroon ka ng direksyon. Doon napupunta ang atensyon mo. Kasi nag-showbiz na ako, naging busy. ‘Yung time na nag-abroad ako she was only three (years old) at the time. Mga eight months ako sa Korea, iniisip ko na, ‘Baka di na ako kilala ng anak ko pagbalik ko,’ mga gano’ng drama. Tapos showbiz, nagsimula na akong taping, nandiyan ‘yung out of town shows, abroad so maraming oras na wala ako. ‘Yon ang pinakamatinding sakripisyo,” pagdedetalye ni K.

Christian, nawalan ng dalawang show

Sobrang naapektuhan si Christian Bables dahil sa pagsasara ng ABS-CBN. Dalawang proyekto pa dapat ang nakatakdang gawin ng aktor sa Kapamilya network. Bukod sa nakanselang mga proyekto ay ikinalungkot din ng binata ang pagkawala ng trabaho ng libu-libong mga empleyado ng istasyon. “Nakakapanghinayang dahil dalawang shows ang postponed. Pero mas nadudurog ako para sa mga empleyado ng ABS-CBN. Masakit pong makita na nawala sa kanila ang trabahong matagal nilang inalagaan at pinag-igihan. Masakit ang mga taong naging pamilya ko na, na nangangamba kung saan sila kukuha ng pangkabuhayan sa gitna ng pandemya. Naniniwala akong hindi sila pababayaan ni God,” pagbabahagi ni Christian.

Mula nang ipatupad ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa ay hindi pa raw nakakasamang muli ng aktor ang pamilyang nakabase sa Cavite. “Hindi pa po ako nakakauwi but nakadalaw na po ako kaso hanggang labas lang, makita ko lang sila. Noong una masaya kasi akala ko sandali lang ang lockdown. Ang nasa isip ko makakapagpahinga po ako mula sa sunud-sunod na shootings and tapings. Noong nag-extend nang nag-extend, nakaramdam na ako ng lungkot dahil hindi po ako nakauwi sa family ko. Naabutan ako ng lockdown dito sa house ko sa Q.C. with my driver and P.A. pero habang tumatagal ang dami kong na-realize, natutunan at na-discover sa sarili at sa buhay. I also got the time to reconnect with my core,” paglalahad niya.

Sa kabila ng pinagdaraanang krisis dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay nagpapasalamat pa rin si Christian dahil nananatiling malusog ang kanyang buong pamilya. “I am just so grateful to God na lahat kami ng pamilya ko ay nasa maganda at maayos na kalusugan. Ramdam ko na hindi ako nagkamaling ipagkatiwala kay God ang lahat dahil sobrang dami pa rin ng mga blessings na ibinibigay Niya sa akin,” pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)

 

 

K BROSAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with